Kabanata# 13
Celestina's P.O.V
Lunch ngayon at kumakain ako dito sa may unahang pwesto sa may malapit sa counter sa may gitnang row ng cafeteria. Hindi ko kasabay yung tatlo dahil nga si Ivy at Danjie may practise pa sa volley ball dahil lalaban na sila next week sa ibang university at si bakla ay este si Brianna ay nag-e ST sya.
Hahaha! Mukang kawawa si bakla ha! Kase ba naman kapag sya yung pinag-e ST ng prof nya sa ibang section lage syang pinagkaka guluhan ng mga baliw na baliw sa kanya hahaha. Ngayon palang na iimagine ko na kapalaran nya ngayon.
At habang kumakain ako ay na alala ko yung mga nangyari maka lipas ng isa't kalahating buwan kase simula nong sumali ako sa singing contest at nang manalo yung softball team namin sa unang laban namin sa ibang school ay nag-iba na yung tingin sakin ng iba. At wala na din bumubully sakin sa tuwing papasok ako ng school kase andyan yung tatlo para maging body guard ko at pati na din yung mga softball team ko na pinag tatanggol din ako.
Masaya ako dahil marami na akong naging kaibigan simula ng ilabas ko yung mga talent ko pero yung iba pa din pangit pa din ang tingin sakin. Okay lang ang mahalaga masaya ako dahil may mga bago na akong kaibigan kahit na puro sila mga lalake hahaha. Alam ko may mga gusto maki pag kaibigan sakin na mga girls dito sa campust pero na hihiya lang lumapit sakin.
Habang kumakain ako ay napa hinto nalang ako sa pag nguya ko ng may gatas na tumapon sa ulo at tumulo yung gatas sa kinakain ako.
Namiss ko din to ha!
Agad kong inangat yung ulo ko at nakita ko si Lucy at yung grupo nya. Tenenen! Malapoke Squad are back ay este Malapox Squad pala hehehe. Andito na para ipahiya na naman ako.
“Hi! Nerdy!” naka ngising bungad ni Lucy sakin.
“You miss me?” naka ngisi ding sambit ni Trixie.
“Ang tagal ka din namin di’ na pag tripan ha?!" maangas namang sambit ni Fiona.
“At andito na kameng magaganda para pag tripan ka ulit!?” malanding usal naman ni Iyana.
Ano daw? Maganda? Yahhk! Saan banda? Baka mga malalandutay hahaha!
"Tamang-tama wala yung mga kaibigan mo para ipag tanggol ka?!” naka ngising sambit naman ni Renai.
At nagulat nalang ako ng itapon ni Trixie yung juice ko sa uniforme ko dahilan yun para mapa tingin sa gawi namin lahat ng mga estudyante sa cafeteria.
“Ano masarap ba yung juice mo?” natatawang usal sakin ni Trixie.
“Ito pa oh!” sabe naman ni Iyana at dinikit yung spaghetti ko sa plato at nilagay sa buhok ko at dipa na kuntento pinahid pa yung souce sa muka ko ginawang bluch-on.
Agad naman akong napa tayo sa kina uupuan ko at kinuha sa bulsa ko yung panyo ko pinunasan yung muka ko na may souce ng spaghetti at tinaggal yung mga spaghetti sa buhok ko. Shemay naman wala akong dalang pang ligo nito eh >~<
“Ala bat mo tinaggal ha? Bagay na bagay kaya sayo!?” sabe naman ni Fiona.
Agad akong napa buntong hininga at malakas na hinampas yung table dahilan para magulat ang lahat pati na limang malalande sa harap ko. Agad ko silang tinignan lima at tinaasan ng kilay pero pinag tawanan lang nila ako.
Akala ba nila nakiki pag biruan ako?
“Wow! Hanep! Yumayabang na ang panget!” pang-asar sakin ni Lucy habang pumapalakpak.
“Hanep! Si Tinay na panget at weirdo ay umaangas na?!” pang-asar din Fiona.
“May papalo-palo pa ng lamesang nalalaman!” naka ngising sambit naman ni Renai sabay tawa. Parang tanga.
BINABASA MO ANG
The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE)
RandomMay isang na paka gandang babae na pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa angkin nyang kagandahan at dahil na din sa ganda ng hubog ng katawan nito at hindi lang yun isa din syang Gang Leader kaya nga ang bansag sa kanya ay Badass Princess ng Campust...