Inasikaso ko na ang mga papeles ng hospital. Magbabayad na ako ng sabihin ng incharge ay bayad na ito at under Aiden Kyiel Xavier.
Umalis na ako doon at hindi na nakipagtalo. Pumunta ako sa office ni Aiden at huli na bago ko pa nalaman na dapat umatras na lang ako at hinayaan na siya ang lumapit saamin.
Nilingon ako ng dalawang tao sa loob. Galit akong binalingan ni Traciel samantalang si Aiden ay nagulat na dumating ako. Dumako naman ang mata ko sa batang lalaking nasa sofa at masayang naglalaro ng kanyang maliit na eroplano.
May kung anong kumurot sa aking dibdib bago ko pa masagot ang tanong ni Traciel.
"Anong ginagawa mo dito?" Matalim niyang tingin saakin.
Ipinigay ko ang cash na pera na pambayad sana sa hospital bill ni Reziel. I wonder kung alam nya na lalabas na kami.
Hindi naalis ang titig saakin ni Aiden ngunit hindi rin naman ako magpapatinag sa ginagawa nya. Wala na akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang ay malayo sa sakit at maging payapa ang buhay namin gaya nung nasa France pa kami.
"Sinasabi mo bang mukhang pera si Aiden? The audacity you have! After those years na umalis ka!"
Umiwas ako sa tulak na gagawin saakin ni Traciel kaya hadya pa siyang natisod at ang kanyang anak ay inosenteng nanonood saamin.
Alam kong madaming nagawang masama sa akin ang mga magulang niya pero hindi ko kayang gumanti at madamay siya. Labas siya sa gulo, wala pa siya ng pinahirapan ako ng mga magulang niya. Kung paano ako talikuran ng ama niya at paano ako sinaksak patalikod ng kanyang ina.
Ngumiti ako rito at nginitian nya lang din ako. Nagsimula na ulit siyang maglaro ng kanyang laruan.
"Alam kong hindi pa iyan sapat, magbabayad ako ng nagastos ng anak ko sa hospital."
Umalis ako agad sa kanyang office. Tinulungan ko sila mommy na mag-ayos ng gamit ni Reziel at ng matapos ay kinarga ko si Reziel.
Her wounds are slowly healing. Under investigation pa din at tinatayang konektado ito sa nakaraang kaso ng mga magulang ko. Ang kailangan ay matunton ang lugar ng taong kumidnapped sa anak ko.
Palabas na kami ng kwarto ng salubungin kami ni Aiden. Gusto niyang kuhanin saakin si Reziel, para hindi na kami magkaroon ng matagal pang interaksyon ay hinayaan kong buhatin niya ito mula sa aking pagkakarga.
Dumampi ang mainit niyang kamay sa braso ko at nagbigay ng isang reaksyon na tila ba napaso ko.
"Daddy? Are you coming home na po?" Malambing na sabi ni Reziel.
Ngayon ko lang napansin na nasa paligid pala sila Traciel at ang anak nito. Hinagod ko ang likod ni Reziel at ako na ang sumagot sa tanong niya.
"Your daddy can't come home with you. The hospital needs him." Paliwanag ko dito.
Matalim akong tinapunan ng tingin ni Aiden at mahigpit na nahuli ang braso ko. Nagulat ako ng hinigit nya ako palapit pa sa kanya at binulungan. "Send me your address. Uuwi ako sainyo." I almost choked with my own saliva when he said that.
Umiling ako sa kanya at pinilit na inaalis ang kamay niya ngunit nabigo ako dahil kahit anong gawin ko ay mas malakas sya.
"Ang asawa at anak mo ay nanonood. Ayos na kaming malaman mo at makilala ka nya. Huwag mo saktan ang pamilyang tumanggap sayo." Madiin ko ring sabi dito.
Kinuha ko na sakanya si Reziel.
Nagpaalam ito sa kanya ngunit hindi na ako lumingon.
Sumakay na agad ako sa sasakyan at hinayaan siyang makapagpahinga. She needs me. Kailangan niyang maramdaman na ligtas sya, na hindi niga kailangang matakot.
YOU ARE READING
Words that can't be written
RomanceIs there a person who is perfect? Well, it depends on how people view them. A story of Ashiana Requiel Bartolome and Aiden Kyiel Xavier