Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Inilibot ko ang paningin ko ng mapagtanto kong nasa isa akong malaki at puting kwarto. Ipinilit kong bumangon ngunit puro paalala at pagsesermon ang sumalubong saakin.
"Didn't I tell you na magpacheck-up ka? Kung hindi pa sinabi saakin ni Liam na hanggang ngayon ganyan pa rin ang nararamdaman mo. Baka dala yan ng pagbubuntis mo kay Reziel. God! Kailangan ka ng anak mo!" Stressed na stressed na turan ni mommy.
Hindi ko maibigay ang ngiti na binibigay ko dati para sabihin sa kanila na okey lang ako. Umupo ako at isinandal ang likod ko sa bed board.
"Si Reziel? Kumusta sya? Gusto ko syang puntahan." Mahinahong sabi ko sakanila. Baka hinahanap na ako ng anak ko. Baka natatakot na sya.
Lumapit saakin si mommy at yinakap ako. "Tatagan lo ang sarili mo. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagigisinh si Reziel. Okey na ang kalagayan niya." Pagbibigay niya saakin ng assurance.
Pinilit ko pa din ang sarili ko na kumilos. Bumaba ako ng higaan at kahit nanghihina na tumapak ang aking paa sa malamig na sahig ay pinilit ko pa ding maglakad sa kwartong itinuro saakin ni mommy.
Nakita ko don si Liam at Karlie na siyang nagbabantay at isang malapad na likod na hawak ang kamay ng anak ko.
Lumapit ako sa kanila at pinilit itulak ang lalaking naroroon. Mahina ako, hindi sapat para mapaatras siya at tuluyang mabitawan ang kamay ng anak ko.
Binalingan niya ako ng matalim na tingin bago muli itong lumambot ng makita niya ang anak kong gumalaw at dahan-dahan na minulat ang kanyang mata.
Umupo ako sa tabi niya at inagaw ang kamay ng anak ko mula sa kanya. "Baby, andito na si mommy. Hindi na kita iiwan. Ako na lang mag-aalaga sayo. Hindi ka na nila masasaktan." Inantay ko siyang magsalita habang ang lalaking katabi ko ay pinindot ang nasa taas na buzzer at tumunog ito, sign that we need a doctor inside this room.
Marahan kong hinawakan ang maliit niyang braso at hinalikan ang bawat mga sugat niya. Ito ang madalas kong ginagawa sa tuwing nagkakasugat sya at sinasabi naman niyang mabisa ito dahil hindi na nya maramdaman ang sakit.
"Mo-mommy, I-I'm fine. Our pain is commected. I jeed to endure the pain, para hindi mo na maramdaman."
Umiling ako sa kanya at inilagay ang maliit niyang kamay sa aking pisngi. Mainit ang kamay niya, ang sarap hawakan at maramdaman.
"Wala, wala ng sakit na nararamdaman si Mommy basta magpagaling ka hmm?" Pakiusap ko sa kanya. Hindi ko na kaya kung may mas malala pang mangyari sa kanya.
"Sabi mo, si daddy isamv doctor. Andito ba sya? Did he treat me? I look ugly baka hindi nya ako magustuhan. Baka iwan na nya ako ng tuluyan, gaya ng pag-iwan nya sayo."
I gasped when she said that. Muli akong umiling sa kanya at hinihiling na sana maunawaan niya ang lahat. Sana hindi siya nasasaktan. Sana matatag siya hindi gaya ng kanyang mommy.
"Pa-paano m-mo nalaman? O-okey kami ni daddy mo. Mahal namin ang isa't isa. Hindi mo kailangang isipin yan. Mali ang iniisip mo."
Pumatak na din ang luha nya sa kanyang mata. Lalo akong nahabag at hindi siya kayang panooring nagkakaganito. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko. Nanghihina na din ako.
"Sabi nung taong kumuha saakin. They beat me, sabi nila lumayo daw tayo, masaya na sila. Hindi ako mahal ni daddy." Lumakas ang hagulhol niya at hindi na ako mapakali kundi ang hawakan si Aiden sa braso.
Tumingin ako sa kanya. Nagtagis ang kanyang bagang at naghalo-halo ang kanyang emosyon. Galit, awa, habang, lungkot at sabik. Paano nya napapagkasya ang iba't ibang uri ng emosyon sa kanyang mata.
"Aiden, call a doctor, please..." pakiusap ko sa kanya.
Bumaba ang tingin niya saakin at yinakap ako. Hinagod niya ang likod ko na imbis na makapahpakalma saakin ay lalo pang nakapagpalakas ng hikbi ko.
Nasasaktan ako sa sitwasyon namin ngayon.
Physical. Mentality. Spiritually.
I wanna give up.
"Yung anak ko... nasasaktan sya." Turan ko pa dito. Lalo kong idiniin ang aking mukha sa kanyang leeg. Ramdam ko ang paggalaw niya.
Yumakap ang kanyang isang braso sa katawan ko para suportahan, dahil alam ko anytime babagsak ang katawan ko. Ang isa naman niyang kamay ang humawak sa ulo at buhok ng anak ko para pakalmahin.
"Shh, andito na si ako, andito na si daddy. Mahal ko kayo, mahal na mahal. You need to be strong, baby. Your mommy needs you."
Dumating na ang mga doctor at I closed my hand together praying na maging okey na ang pakiramdam ng anak ko, ang kalagayan niya.
Lumapit na saakin sila mommy para hawakan ako sa magkabilang balikat ko. Hanggang ngayon ay inaalo pa din nila ako na magihing okey din ang lahat. Tang-ina naman! Kailan pa? Kung kailan sobra ng sakit ang naranasan ng anak ko?
Hinalikan ako ni Liam sa sintido ko ng muling tumulo ang luha ko sa aking mata. Yinakap naman ako ni Karlie habang siya din ay tumutulo ang luha sa nangyayari.
Pinanood ko si Aiden na masamamg tingin ang ipinukol kay Liam. Matapos non ay tumulong na siya sa pagpapakalma sa anak niya.
Tumagak ng kalahating oras. They examine the body of my daughter, kung may internal wound ba. Gladly wala naman. Umupo muli ako sa tabi niya at doon natulog. Umaasang maiibsan ang sakit na nararamdaman ko sa aking tiyan.
Nakaobob ako sa kama na humingi ng pain reliever kay Liam. Ayaw ko ng abalahin pa sila mommy at Karlie na natutulog rin sa katabing sofa. Masyado na silang pagod at miski ako ay madami silang iniisip.
Ang isip ko ay lumulipad sa business na malapit ng ilabas ang products.
Ang fitting na sususod na mga araw habang ako wala pang paghahandang ginagawa.
"What's for? May masakit sayo?" Malamig nitong turan.
Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko pa sya kayang harapin ng ganito kapayapa ang lahat.
Hindi ako sumagot sa kanya pero ramdam kong inilapag niya ang isang basong tubig sa side bedside table.
Napatunghay ako ng maramdaman siyang inikot ako sa pagkakaupo at ngayon ay nakaluhod na siya sa harapan ko. Nagulat ako ng ilagay niya ang kamay niya sa tiyan ko. Nung una ay naitulak ko ito ngunit tignan lang niya ako ng masama.
Muli niyang inilagay sa tiyan ko ang kamay niya at marahang minassage. May kung anong nabuhay sa loob ng katawan ko at hindi ko iyon gusto.
Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at nag-iwas ng tingin sa tuwing mag-aangat siya ng tingin saakin.
"Okey na ba? Madalas mo bang nararamdaman? The pain reliever is bad in the human body."
"Tuwing nagkakasakit lang si Reziel. Kung masama pala ito bakit pa ginawa." Hindi ko gustong maging rude sa pagsagot. Iyon lang ang naisip kong sabihin sa kanya.
"Still the same." Pagkakasabi niya iyon ay tumayo siya at umalis ng kwarto.
Umiling ako ay pinanood ang saradobg pinto. Bakit ang dali sa kanyang umalis? Wala ba siyang gustong itanong? Malaman? Klaruhin? Or ayaw na nya dahil masaya na sya?
Ang dali para sayong umalis.
Ang dali din para sayong bumalik.
Paano kaming nag-iintay sayo?
Mag-iisip kung kailan ka babalik?
Matatakot kung kailan mo ulit gustong umalis?
YOU ARE READING
Words that can't be written
RomanceIs there a person who is perfect? Well, it depends on how people view them. A story of Ashiana Requiel Bartolome and Aiden Kyiel Xavier