Chapter 33

789 17 9
                                    

"Bilisan mo na mag-ayos ng gamit mo baka mahuli tayo sa flight, Reziel. Kanina pa nag-aantay lola mo sa baba. Nauna ng umalis sila tito Liam mo!" Ilang beses kong paulit-ulit na pinaalala iyon sa kanya.

Hanggang ngayon ay pinagkakasya pandin niya ang mga damit niya. Tinabihan ko siya at tinulungan. "Baby, you dont need to do this. We can buy your dress once we land." Umiling siya saakin at binigyan niya lamang ako ng mabilis na halik sa pisngi.

Matapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay humarap siya sa salamn at inayos ang kanyang buhok, nagulat pa ako ng naglagay siya ng lipbalm.

"Do I already look pretty, mommy?"

"You always look pretty, but you don't need to do this." Paliwanag ko sa kanya.

Umiling lang sya at kinuha na ang kanyang gamit sa ibabaw ng kanyang higaan.

Masaya siyang bumaba at hinakikan ang kanyang lola. Nagulat pa ito na maging siya ay may dalamg sariling maleta. Nginitian ko na lang si mommy at sinabing hayaan na lang siya.

Nasa sasakyan na kami pero hindi pa rin tumigil sa kakaimik si Reziel. It shows how excited she is.

"Mommy, you asked me a while ago why I need to look pretty, right? It just because what if daddy will fetch us? I need to look pretty so he won't leave me again."

Bahagya pa akong nagulat sa kanyang sinabi at nilingon siya sa likod ng passenger seat. Kinunotan ko siya ng nuo pero nginitian nya lang ako. Pinaliwanagan naman siya ni mommy at nagkibit balikat na lamang siya.

"Your daddy is busy. He might not have the chance to fetch us, but I already ask your tito Liam na abisuhan si daddy mo na nakauwi ka na."

Pinanood ko ang bawat ekpresyon niya ngunit kumunot lang ulit ang kanyang noo. Para bang wala siyang naunawaan sa huling pahayag na sinabi sa kanya ng kanyang lola.

"What abisuhan is?"

Humalakhak si mommy kaya pati ako ay natawa. Akala ko kung ano na, iyon lang pala. Ako na ang sunagot sa anak ko and good that she easily understand what it meant.

"To notify."

Matagal ang naging byahe. Matagal ding nakatulog si Reziel at natutuwa akong kinuhanan siya ng larawan. I posted it at my IG.

Wala na namang naging problema kung gagawin ko iyon, they didn't give me penalty from what I did the last time. The management is okay with it. They even supported me for my future business, and I will still work for them under the Philippine Industry.

I shook my head and tried to sleep, but my mind kept wondering paano ko ikwekwento ang kanyang ama ngayong nasa Pilipinas na kami at alam kong sabik na sabik na siyang makita ito ng personal, madami siyang tanong, baka maguluhan siya kung magtagal pa pero wala akong balita rito so paano ko sisimulan?

"Iha," tawag pansin saakin ni mommy. "Hmm?"

"About the case, it's already resolved. Walang kinalaman ang nga Xavier sa aksidente. Humingi pa ng tulong ang dad mo para protektahan kayong mag-ina, they failed because one of their member betrayed them for money. Hanggang ngayon hindi pa din nahuhuli si Adrian at ang mga kasamahan nito."

There is part of me that is guilty that I judge them. Pero hindi ko kasalanan kung ganoon ang reaksyon ko gayong magulo ang sitwasyon nung nakaraan.

It is good to know na wala silang kinalaman baka hanggang ngayon hindi ko sila mapatawad. Baka hanggang ngayon galit ang nararamdaman ko sakanila at baka maisipan kong gumanti at mapahamak ang anak ko. Baka hindi magiging safe ang anak ko kapag nakilala nila.

"I also heard Aiden got his family, Traciel? I don't know where family she belong but they got a son."

Hindi na ako umimik at nakinig na lang sa sinabalita saakin ni mommy. This will surely help me to decide for my next move. Hindi ko hahayaang masaktan ang anak ko, pero hindi ko siya pagkakaitan ng karapatan at pagkakataon na makilala sila.

"What's your plan?"

"I don't know. I will search for the right time to tell them, I dont want my daughter to be disregarded, I dont want to see my daughter hurt. Kung hindi nila tatanggapin hindi ko na ipipilit. Ipapakilala ko lang."

Tumango siya saakin at naramdaman ko ang mainit na  kamay ang himawak at pinisil ito. Somehow, it calms me. Parang andyan lamang si Mama. Dahil sa kanya nakayanan kong mag move on.

Dahil sa kanya napatawad ko ang sarili ko at kahit nawala sa tabi ko si Mama andyan siya para iparamdam saakin nasa tabi lang siya.

Bumuntong hininga ako at tinawagan si Liam na malapit na kami at kung maari ay samahan niya kami sa bahay na tinuturo niya saamin na aming titirhan habang naririto kami sa Pilipinas.

Inalalayan ko si Reziel ng bigla siyang tumalon sa sasakyan at sumigaw.

"Endeto na ako Pilipinas!" May accent na turan niya. Natatawa naman ako at hinawakan ang nakataan niyang kamay.

Miski si mommy ay natutuwa sa reaksyon ng kanyang apo. "Isang minuto pa lang siya sa Pilipinas at mahal nya na agad ito," halakhak nito at nauna na saamin.

May kikitain pa daw siyang Amiga at baka daw maging busy sya dahil magreretire na din siya sa pagiging lawyer. Nakuha na niya ang sagot, ipagpapaubaya na lamang niya ito sa nakakataas. Nagpasalamat ako sa kanya at nagsabi na mabisita na lang kami sa kanya sa ibang araw.

"Mommy, what's daddy's name? What is his work? Maybe it's because of his work that he didn't come to fetch us, and I understand."

"His name is Aiden Kyiel Xavier. He's a doctor. That's what tito Liam said."

Ikinunot niya ang kanyang noo bago ako tinignan. Hinintay ko naman siyang magtanonv uli pero wala ng lumabas sa kanyang labi at tumango na lamang.

Kumain muna kami sa Italian restaurant dahil mahilig siya sa pasta doon. Kamukha niya si Aiden habang nalaki. Tuwing nakikita ko siya ay may kung ano saakin ang tumitibok ng mabilis tuwing nagiti sya. Maybe because I love my daughter so much.

Masaya na ako na ugali ang nakuha niya saakin. Parehas kami ng hilig at nagkakasundo kami sa lahat ng bahay. Kahit papaano hindi na maitatanggi na anak ko nga sya.

I smiled and watched her.

Hindi ako mapapagod panoodin ka, mahal.

Words that can't be writtenWhere stories live. Discover now