Chapter 18

1.4K 29 0
                                    

"Ashiana! Tara sa court!"

Tinanong ko sya kung mag-aano kami don. Sayang naman kasi kung uunahin naming manood ng ibang game at walang tatao dito sa booth. Sayang ang kita.

"Girlfriend ka ba talaga? Bakit wala kang alam? Hindi mo manlang susuportahan si Aiden?"

Sumimangot ito saakin at mahigpit na hinawakan ang braso ko para lumambitin. Kanina nya pa ako kinukulit kay Aiden na suportahan naman daw namin. Ang kaso kasi ayaw ni Aiden na manood ako. Hindi ko alam ang kanyang dahilan kaya hindi ko na ito inusisa pa.

"Hindi nya ako girlfriend." Sabi ko dito at nag-ayos ng mga ginamit.

Binitawan ako ni Philly. Akala ko ay ayaw nya na rin manood. Nalaman ko na lamang na nagtatampo na pala sya ng lapitan ko siya ay hindi nya ako kinibo.

Nag-ayos ako ng damit ko at buhok. Ayaw kasi ni Aiden na nakasando lang ako at walang mahabang jacket or blazer na maaring ipantaklob raw sa nakikitang balat ko. He's a conservative person, but he still gives me the right to wear what I want.

"Tara na." Sabi ko dito.

Hindi nya ako pinansin kaya umuna na akong maglakad at tinext sya na papunta ako sa court at manonood ng game. I-lock nya na lang ang booth kung gusto niyang sumunod.

Wala pang kalahating oras ay may kumayabit na saaking braso. "Hoy! Picture tayo! Pang post sa IG." Sumunod ako sa kanya at ngumiti sa cam.

Habang naglalakad kami ay vinivideo nya ang bawat galaw namin. Malakas ang hiyawan sa court at maraming tao. I don't think na makakasingit pa kami.

Habang lumilingon ako sa bleacher kung meron pang available sit ay bumaba ang aking tingin sa babaeng kumakaway sa upuan ng mga player.

Nakita ko si Karlie at pinapalapit ako. Kinulbit ko si Philly at itinuro ang tayo. Pumunta kami don at naupo. Todo hiyawan ang mga taong nanonood ng makitang kokonti na lang pala ang lamang ng dalwang department. Ang naglalaban kasi ngayon ay law dept. at ang psychology dept.

Ang maglalaro saamin ay sina Liam, Kyier, Antonio, Kyzer, Yuan at Clark. Samantalang sa kabila naman ay ang grupo nila Aiden, Tristan, Billy, Xian, Zane at Raoul. He choose to play and stay sa law department dahil mas kailangan siya doon. Aiden is the president of their council.

"Mhi, mali atang side tayo umupo, tingnan mo si Aiden galit na nakatingin satin." Natatakot niyang sabi, tinignan ko si Aiden at nagtiim bagang ito. Paanong mali? Andito ang gamit ni Liam, tyaka baka si Karlie ang mali dahil siya ang nasa Psychology dept. bleacher? Hindi ba law siya?

Inilibot ko muli ang paningin ko sa kabila kung may mauupuan pa. Wala naman kasing mauupuan sa side nila dahil ang dami nilang taga-suporta. Wala na kaming mauupuan at masyadong maiinit sa side na iyon.

Tumigil ang laro at imbis na pumunta si Aiden sa kanilang  bleacher ay dumiretso sya sa aking direksyon. Tumigil siya sa harapan ko at tinignan nya si Karlie at Philly.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagpaalam kila Philly at Karlie na kukunin na nya ako. Nagpatinod naman ako at sumunod saakin si Philly. Nahihiya itong sumunod saamin dahil napuno na ng kantyawan ang court.

Siguro ang kailangan kong matutunan ay ang masanay na marami ang mangantyaw at magbigay saamin ng kanilang atensyon dahil kilala si Aiden.

"Sa susunod na manonood ka tumawag ka saakin o hindi kaya ay sumabay ka na lang."

"Ayaw mo akong manood diba?"

Nagsimula na ang game at hindi muna sya pumasok dahil kanina pa daw sya naglalaro at magpapahinga. Kinuha ko ang towel sa gilid ko at inabot sa kanya ang tubig. Pinunasan ko ang noo niya at leeg. Nilagay ko pa ang towel sa kanyang ligod.

"Thanks, ang sarap mo palang kasama sa laro." Inirapan ko sya at itinulak ang mukha nya palayo.

"Aiden! Iba den!"

"Ashiana akin ka na lang."

"Kaya pala nanlalambot kanina.

"Ashiana ako si  pawisan."

Nag-apiran ang mga ibang player na ikinanoot ng noo ni Aiden. "If all of you didn't shut up, I'll kill you all,"

"Ang harsh mo sa kanila."

"I'm just being protected."

Nagkibit balikat ako at itinulak na sya para maglaro. Sa tuwing nakakashoot siya ay napapasigaw ako. Minsan ay hinihigit ako ni Philly sa gitna para yakapin si Aiden ito naman akong si ulaga ay sinusunod ang gustong mangyari ni Philly.

"Kapag, nanalo ako, will you be my girlfriend?"

Inasar ko sya na parang hindi ako sure at ayaw ko ng matagal akong tumingin sa kanya. Nakakunot siyang pinukulan ako ng tingin.

"If your team didn't win, I'll reject you."

Inirapan ko sya ng umalis agad siya sa harapan ko at naglaro.

Nakikisabay na ako sa sigaw ng madla dahil ilang minuto na lang bago matapos ang laro ngunit ang kanilang score ay dikit parin hanggang ngayon.

Halos maitulak ako ni Philly tuwing nakakashoot ang kanyang idol sa kabilang team. Ang isang ito napaka traydor talaga.

Tumigil ang mundo ko ng 3 seconds shots clock at naishoot ni Aiden ang bola mula sa malayo. Napuno ang ingat ang buong court samantalang ako ay nakanganga ng nagawa iyon ni Aiden. He's good at everything he do.

Tumakbo palapit saakin si Aiden at kinulong ako sa braso niyang basa ng basis. Kasa pawisan sya ay ang bango-bango pa din.

He puts his head on my shoulder and wishper "I told you, I will win this game, and I will win you too, love,"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang ilalim ng damit ko. Itataas ko na iyon ng hawakan ni Aiden ang kamay ko at masama akong tinignan. Miski ang kateam niya at mga nanonood ay nasasaamin na ang tingin.

"I'm going to show you something." I said.

"Not infront of these peole, love, please. I dont want to kill those people who will see your naked body."

Hinampas ko ang kanyang dibdib at nahihiyang tumingin sa kanya dahil sa kanyang iniisip. "Sira! Hindi iyon! Ang dumi ng isip mo." Tuluyan ko ng hinubad ang t-shirt ko para malinis ang marumi niyang pag-iisip.

Nakasulat sa crop-top ko ang statement na 'will you be my boyfriend' before doing this I consult to Philly kung paano ko sasagutin si Aiden ang sabi saakin ni Aiden mas maganda kung uunahan ko na si Aiden na mag propose. Still, he goes first after winning this game, but I  still want to do it.

Aiden gasped, and his friends teased him more. Niyakap niya ako ng mahigpit bago ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

Gosh! My first kiss.

Words that can't be writtenWhere stories live. Discover now