Nagising na si Traciel at ng makita niya agad ako ay nagpasalamat siya at inalagaan ko silang dalawa. Wala naman iyon saakin dahil parte sila ng pamilya. Naunawaan ko na nawala talaga silang kasalanan at biktima lang din sila.
Bumaba lang siya saglit para bumili ng pagkain para saamin. Ang sabinko ay ako na ang bahala doon at baka magpadala na lang ako kay Aiden ngunit tumanggi siya dahil kaya na naman nya daw at nahihiya na siya saakin. Miski iyon man lang daw magawa niya para saakin.
Pinunasan ko ang buong katawan ni Laurence at nagulat ako ng gumalaw ang kanyang daliri. Tumawag ako ng doctor at mabilis ang pagresponde at dumating agad sila. Nakita ko si Liam at imbis na mataranta para kay Laurence ay mas nataranta ako na naandito ang kanyang ama at paano kung makita siya ni Traciel.
"Anong ginagawa mo dito!" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses at dinala sa labas.
"Anong kinatatakot mo na naandito ako? May tinatago ka ba saakin Ashiana?"
Umiling ako sa kanya. Nakita ko na si Traciel na nagmamadaling maglakad sa direksyon namin at dahil nakatalikod si Liam ay hindi niya napansin ang kausap ko at mabilis kong pinaalis ito.
Sinalubong ko si Traciel ng makaalis na si Liam at binalitaan na gising na si Laurence. Masaya siyang pumasok sa kwarto at pinanood ang mag-ina na nag-uusap.
Lumabas ako saglit at timawag kay Aiden para balitaan siya sa kondisyon ni Laurence.
"Nagising na si Laurence! Okey na din si Traciel. Nag-uusal na sila sa loob kaya iniwan ko muna saglit."
Rinig ko ang buntong hininga ni Aiden na para bang nabunutan na siya ng isang tinik sa dibdib. Wala na siyang kailangan pang ipag-alala sa mga mahal niya sa buhay na nasa loob ng hospital na ito.
"Eh si Liam? Alam na ba nya? Sabi ng mga katrabaho niya saakin ay nagpunta siya sa hospital?"
"Oo, naandito nga si Liam kanina. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam tungkol kay Laurence at ayaw kong pangunahan si Traciel."
Naibaba ko ang telepono ng makita ko si Liam sa harapan ko. Galit niya ako tinignan kaya pinatay ko na agad ang tawag. Papasok na sana ako sa kwarto ng pigilan niya ako. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at pinirme sa aking pagkakatayo.
"Ano iyong hindi ko alam?" Madiin niyang sabi.
Lumabas na din si Traciel at biglamg nawala ang kanyang ngiti ng makita niya si Liam. Pumagit na siya at tuluyan ng nabitawan ni Liam ang brask ko. Tinanong alo ni Traciel kung okey lang ako at tumango lang ako sa kanya at humingi ng paumanhin dahil narinig nibLiam ang pinag-uusapan namin ni Aiden.
"Okey lang, Ashiana. Ako na ang bahalang kumausap dito. Umuwi ka na, kailangan ka ng anak mo, baka nag hahanap na iyon."
Tumango ako sa kanya at tinignan si Liam na ngayon ay masama namang nakatingin kay Traciel. Nag-aalala ako para sa kanilang dalawa pero hindi na dapat akong makialam pa.
Umalis ako at sumakay ng taxi.
"Manong sa Green Park subdivision po."
Hindi umimik ang driver kaya hinayaan ko na lang. Nagtext ako kay Aiden kung saan ako sumakay at anong plate number. Nakasanayan ko na din itong gawin para makasigurado at hindi siya mag-alala saakin.
Umidlip alo saglit dahil nakaramdam agad ako ng pagod. Wala akong naging tulog kagabi dahil gusto kong bantayan si Laurence at kung magising siya agad ay may makikita at makakausap agad siya para hindi siya matakot.
"Baba!"
Nagising ako sa marahas na sigaw ng lalaki. Naguguluhan ko siyang tinignan at doon ako bigla nakaramdam ng takot ng makita ko kung sino siya. Pamilyar ang mukha niya.
YOU ARE READING
Words that can't be written
RomanceIs there a person who is perfect? Well, it depends on how people view them. A story of Ashiana Requiel Bartolome and Aiden Kyiel Xavier