Chapter 44

852 19 0
                                    

Pumunta kami sa hospital kung saan nakaaddmit si daddy. He's slowly healing but still need months for rehibilation. Hindi ko din alam na matagal na palang ang pamilya ni Aiden ang nagbibigay ng financial assistance kay daddy oara mapagamot.

Hindi saakin nasabi ni mommy dahil ayaw niya akong mag-isip kung saan huhuthot ng pera. I'm broke that time. They are trying their best to provide for us at hindi na nila kayang ipagamot pa si daddy.

Nagalit sila nung nalaman na sila ang magpapagamot kay daddy, parang isang sampal iyon sa kanila na naghihirap na kami at hindi namin kayang alagaan si daddy. Sila ang pinagsuspektahan tapos sila pa ang magpapagamot, hindi iyon tama at maganda para sa paningin ng sinuman.

Kaya wala akong tigil na nagpapasalamat kay Aiden ng malaman iyon. I become so clingy to him and wanted him to be near me. I want him in my side. I want every inch of him.

Tumakbo si Reziel at sumigaw ng Lolo. Yumakap ito at nalilito siyang tinignan ni daddy. Nag-isa-isa na naamng pumatak ang luha ko ng panoodin sila.

"Aiden! Nahanap ko na anak ko? Aiden yung anak ko baka nahihirapan na. Aiden sabi mo wala na si Ashkenazi baka umiiyak si Ashiana."

Lumapit ako kay daddy at yinakap siya. Yinakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa kanyang braso. Rinig ko din ang paghagulhol ni Reziel habang nakayakap din sa kanyang Lolo. Sumakit na naman ang tiyan ko pero hindi ko iyon ininda. Matagal ko ng inintay ang pagkakataong ito na mayakap muli si daddy. Even he's  sick he's still looking for me and want the best of me.

"Miss ko na ang anak ko, ikaw nakita mo ba siya? Okey lang ba siya?"

Tumango ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalkan iyon.

"Daddy si Ashiana ito. Ang anak mo. Umuwi na anak lo. Magkakasama na tayo. Gagaling ka. Magiging okey na din ang lahat. Andito na kami."

May pumatak na luha na din sa kanyang mata at pinunasan ko iyon. Yinakap ko muli siya at naramdmaan ang kanyang kamay na humahagod sa likod ko. Lumalakas ang hikbi niya na lalong nakadagdag sa sakit na iniinda ko. Pinapakalma ko siya at sinabing andito na ako at maayos lang ako.

"Salamat iho, hindi mo kami sinukuan. Salamat hinanap mo ang anak ko para saakin. Salamat iho. Patawarin mo na pati kayo nadamay." 

Lumapit saamin si Aiden at kinarga na din ang anak. Tinignan iyon ni daddy at ngumiti siyang hinawakan ang kamay ni Reziel at pinaglaruan iyon.

"Ang gandang bata, para siyang si Ashiana kapag umiiyak pero kamukha mo siya Aiden. Siguro kung hindi kayo nagkahiwalay ng anak ko may ganito na din kayong kalaking anak. Matutuwa ako kapag nangyari iyon."

I closed my eyes and hug him again. I miss him. I miss my dad. I want him to remember me. I want him to know na naandito na ako at hindi na ako aalis sa tabi nya.

"Anak namin sya daddy, si Danielle Reziel Bartolome dad, she's your granddaughter dad. Hindi na kami aalis sa tabi mo. Andito na kami."

Bumaling siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako at pinag-aralan ang mukha ko. Tumawa siya at tinuro ako. Tinignan niya si Aiden at masayang tinuro ako na nakauwi na ang kanyang nag iisang anak. Masaya na ang anak niya.

Tumango at yinakap muli siya. Matagal kaming nag-usap at kinuwento kung anong nangyari nung umalis kami. He understand our situation and ask Aiden to take good care of me and his apo.

Hindi na ngako si Aiden ngunit hiningi niya ang blessing ni dad. Tumawa pa ito at ibinigay ang isang singsing na dapat niyang ibibigay kay Mama kung  nagkita sila.

My dad asked Aiden to give it to me when he promised iyon and gusto niyang makita sa kamay ko bago kami ikasal. Gusto niyang gumaling agad para makita niya ako at hindi ako mahiyang siya ang katabi ko sa paglakakad sa altar.

"Gagaling ka dad, magpapakasal kami ni Aiden ng kasama ka. Ikaw ang maghahatid saakin at wala ng iba."

Nangako rin siya saakin na gagaling siya. Konting buwan na lang okey na. Okey na siya at makakasama na namin siya. Hindi namin siya bibitawan.

Nagpasalamat ako kay Aiden hanggang sa makabalik kami sa kanilang bahay. Wala naman siyang tigil sa pagtatanong kung okey lang ba ang pakiramdam ko or kung wala akong naramdaman na may masakit saakin. Umiling ako at ayaw ko siyang mag-alala. Sobra-sobra na ang ginawa niya.

Masaya naman kaming sinalubong ng pamilya ni Aiden. Yumakap ako sa kanila at bumati ng magandang gabi. Nakatulog na si Reziel sa pagod at karga na siya ni Aiden.

Pinaakyat na muna kami sa kwarto para makapaglinis at dito na daw muna kami matulog kahit isang gabi lang. Hindi na namin ito tinanggihan at pinau lakan. Pinaghandaan nila ito at gusto na muli kaming magkasama.

Nagpaalam ako kay Aiden na tutulong lang ako sa baba. Ayaw pa niya akong payagan dahil bisita ako sa bahay na ito ngunit sinabi kong asawa na niya ako at parte ako ng pamilya.

Bumaba ako at nakita ako agad ni Mrs. Xavier. Tinawag niya ako sa kusina at nakita siyang nagluluto ng pasta. Nagkwento siya saakin na favorite food iyon ni Aiden at sinabi ko ding iyon ang laging gustong kainin ni Reziel. She chuckled and commented na mag-ama nga sila.

"Nung pinuntahan ka niya sa bahay ninyo para damayan sa pagkawala ng mama mo, araw din non nung naaksidente siya. Hindi ko alam ang nangyayari sainyong dalawa nito ko lang nalaman na umalis ka ng bansa nung nagpadala ka ng sulat sa hospital na ayaw mo ng makita ang anak ko at magpapakasal ka na sa ibang bansa. My son got furious.  Noong una gusto ka niyang hanapin pero nung may nag balita sa kanya na may anak ka ng dalawa hindi na siya nagtangka."

Nakinig ako sa kanyang kwento. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari kay Aiden.

"Nagkaroon ng problema sa kanyang paglakad, hindi sya makalakad lalo pang ikinadagdag iyon ng pagkagalit niya sayo. Hindi ko siya napigilan dahil miski saamin ay nagalit siya. Hindi siya umuuwi ng ilang taon, kaarawan namin, pasko, at anniversary ang hindi niya kami sinipot. Nagalit ako sa kanya ng mabalitaan ko na kasama niya si Traciel nung gumaling siya, nagalit ako na si Traciel ang mag-alaga sa kanya kahit na kaya naming gawin iyon dahil pamilya niya kami. Hindi ko siya masisisi. Nasaktan siya, iyon ang kayang gawin ng pain sa isang tao."

Tumango ako sa kanya at tinulungan siyang magserve ng pagkain sa table.

"Hindi ko din po siya masisisi sa kanyang nararamdaman dahil miski ako nagalit sa kanya. Magulo ang panahon namin noon. Madaming ang nagsasabi na kailangan naming maghiwalay, ang maganda doon ay kahit anong pagkakatoon hindi naman piniling itali ang sarili namin sa taong hindi namin mahal. Natutunan naming magpatawad, pero sa puntong dapat nasa tabi niya ako, panahong kailangan niya ako, gusto kong andon ako."

Yinakap nya ako ng magbadya na namang pumatak ang luha ko. Hinagod niya ang likod ko at sinabing okey na ang lahat. Napatawad na namin ang isa't  isa. Magkakasama na kaming pamilya. Kasama na niya ang anak niya, nahanap na niga ako, at magaling na siya.

"Salamat dahil umuwi ka sa kanya. Salamat at umuwi ka saamin kasama ang little angel ng pamilyang ito. Andito lang kami para sainyo."

Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na pupuntahan na ang mag-ama para ayaing kumain. Nagugutom na din sila at pagod dahil sa dami naming ginawa. Madami kaming dapat asikasuhin at unahin para sa pamilya.

This what love means for me now.

Hindi iyong takot mag mahal ngunit handang sumugal para sa pagmamahal.

Love works like a chemistry.

And,

Chemistry for works for love.

Words that can't be writtenWhere stories live. Discover now