Chapter II

15.7K 382 45
                                    

Her

"Huwag! Huwag! Ako nalang ang kunin mo! Pakiusap!" Pagmamakaawa ni Papa.

"Jail him!" He demanded and I was shocked when I saw bunch of bodyguards I didn't notice earlier. Hinawakan nila si Papa na nagwawala na habang nagmamakaawa sa lalakeng huwag akong idadamay. 

"You will go with me." Hinila ako ng lalake, mas lalong nagwala si Papa habang naubusan naman ako ng masasabi. Ayaw kong dalhin nila ng mag-isa si Papa kaya kung ito ang paraan para makasama ko siya ay sasama ako.

Malayo ang tinitirhan naming bahay sa syodad kung saan ang mga tao, kinakailangan pang maglakad ng limang kilometro para lang makita ang mga kabahayan. My mom loved this place because it's peaceful and is far away from people, she hates people. Growing up, I grew to love this place, sa bahay kasi na ito, makikita mo ang naglalakigang mga bundok, sariwa rin ang hangin at presko, ang lupa ay puno ng mga berdeng dahon, napapalibutan din kami ng mga puno ngunit malayo pa naman ang mga puno, malawak na lupa lang ang nakapalibot sa amin dahil may mga plantasyon din si Aston na harap ng bahay namin. I can't believe I'm about to leave this home.

Kahit na umunlad na ang lugar namin kung teknolohiya ang pag-uusapan ngunit hindi pa rin nawawala rito ang kabayo lalo na kapag nakatira ka sa baryo kung saan malayo ang syudad, madalas na ginagamit ni Aston ang kabayo niya sa tuwing pumupunta sa amin, siguro para magpasikat kaya hindi na ako nagtaka nang makita ang mga kabayong nakatayo sa harap namin. Pinapasok nila si Papa sa isang kalesa habang ang ibang mga tauhan ng mistoryosong lalake ay sumakay na sa kani-kanilang kabayo.

"Arabelle! Arabelle!" Sigaw ni Papa.

"Napakadaldal ng Ama mo." Ani ng lalakeng kanina pa nakahawak sa siko ko, hinablot ko ang siko ko sa pagkakahawak niya at sinipatan siya.

"Sasabay ako kay Papa." Sabi ko at aamba sanang sasakay rin sa kalesa ngunit biglaang pinaandar ng lalakeng nasa harap ang kabayo! Muntik na akong mabunggo kung hindi lang ako natulak babalik ng lalekeng nasa likod ko.

"Sa akin ka sasakay." Aniya at hinila na ako sa isang kabayo. Nauna na ang ibang mga tauhan ng lalake kaya kami nalang ang naiwan. Kahit na papalayo na sila ay rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Papa.

"Anong gagawin mo kay Papa?" Galit kong tanong nang binalingan ko siya.

"Anything I can make use of him." He smirked, kumuyom ang kamao ko.

"Madaming nagkakagusto sa akin kaya sa oras na malaman kong may ginawa kang masama kay Papa, hindi ako magdadalawang isip na akitin kung sino man ang nasa katas-taasan para lang makulong ka." Banta ko. 

Amusement danced on his eyes, his lips curved into a ferocious smile. "Paano kung ako ang nasa kataas-taasan, handa ka bang akitin ako?" Napakababa ng boses niya tila ba siya ang nang-aakit sa akin.

"I will never." I said with confidence and mocked a smile.

"Really?" He mocked and stepped forward, I stepped back. "I can kill your father with the flick of my finger, if you think about it, I have more power than those people in the higher ups. I can either make him live or not." He smirked when he saw how I paled.

"You have plans on me." My voice quivered because of fear.

His smirk faded and he became serious while I squeezed my shivering hands tight so they would stop shaking. Tinalikuran niya ako at lumapit na sa kayumangi niyang kabayo, nanatili naman akong bato sa kintatayuan ko. Sumampa siya rito at tiningnan ako sa baba na tila ba ako'y alipin niya lang. Kung tutuusin kayo kong tumakbo at humingi ng saklolo ngunit hindi ko kayang isiping iwan si Papa sa kamay ng halimaw na tinitingnan ako sa baba.

Beauty with the Beast (Cast a Spell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon