XXX

9.3K 210 20
                                    

Her

"Ayos ka lang ba?" Aston asked when he stopped in front of me.

My lips parted to utter a word, but then I remember, I have an ugly voice, so I remained shut.

Aston let out a deep sigh as he pulled me for a tight hug. Dahil sa gulat ay kaagad niya akong nayakap, everybody sighed happily, but I remained stilled, not understanding everything that's been happening.

Bakit sila nandito? Anong nangyayari?

"Ilang araw kitang hinanap!" He said as he hugged me tight.

My lips parted at that. I'm confused!

"S-Si Papa?"

They all sighed in shock as they hear my new disgusting voice. Kaagad na kumalas si Aston sa akin at nanalalaki ang matang pinagmasdan ako.

"Anong nangyari sa boses mo?!" He looked mad.

Hindi ko siya nasagot dahil wala akong masasagot! I can't tell them that I was kidnapped twice! By Adam and by his father!

"Bakit ang pangit na!" Fou commented.

"Ang hina!"

"Oo nga!"

"Sabihin mo sinong gumawa niyan!"

They all hated my voice.

I hate it as well.

But why does Adam love it?

"Guys, let's not pressure her." Si Aston ang pumutol sa kanilang lahat. He looked down on me and there was something that changed on his eyes as he stared at me.

"S-Si Papa?" Ulit ko dahil siya lang ang rason bakit gusto kong makatakas.

"Nagpapahinga." Kalmado niyang sagot, nanlaki ang mata ko.

"B-Buhay siya?!" I was overwhelmed by my emotions that I shouted, my throat strained at that but the happiness was too overwhelming to contain.

Nakakunot niya akong pinagmasdan, I looked expectantly at him, hoping that he was not joking. He slowly nodded and I fought the urge to ran because I need to know where he is!

"Nagpapahinga siya sa kama. Hindi pa nagigising hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari, nakita nalang namin siya sa daga—"

"Nasaan siya?!" Napapaos kong sigaw, hindi na mapakali.

"Nasa kuwarto ni—"

Iniwan ko sila at tinakbo ang distansya papunta sa kuwarto ni Papa. I was panting when I entered Papa's room, my eyes widened in tears when I saw my precious Papa lying on the bed with a tube on his nose. Madaming nakakabit sa kaniya and I panicked at that.

"Ara—"

"Bakit hindi niyo siya dinala sa ospital?!" Galit kong baling kay Aston nang mapagtantong ganito kalala ang nangyari sa kaniya!

"We were waiting for you—"

"Bakit kailangan niyo akong hintayin?! Dapat nasa ospital siya ngayon!" My throat strained as my anger boiled in frustration. Ang dami-dami nila tapos wala man lang nakaisip na dalhin siya sa ospital?!

"Relax, Arabelle. May doktor naman siya!" Tawa ni Aston, mas lalo lang nag-init ang ulo ko.

"Dadalhin ko siya sa ospital!" Sigaw ko at galit na nagmartsa papunta sa kung saan nakahiga si Papa.

"Anong gagawin mo? Kaya mo siyang buhatin?" Tawa ni Aston na mas lalo pang nagpairita sa akin.

"Tatawag ako ng puwedeng makaalsa! Lumabas kayong lahat sa bahay namin!" Iritado kong sigaw sa kaniya dahil lumalala ang galit ko sa presensya nilang lahat. Mga wala silang utak!

Beauty with the Beast (Cast a Spell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon