Chapter V

11.1K 297 34
                                    

Him

I wonder what she's thinking right now. She's awfully quiet.

Napasulyap sa akin si Arabelle ngunit mabilis niyang ibinalik ang atensyon sa harapan, mahigpit din ang hawak niya sa buhok ng kabayo para lang mabalanse ang sarili. Gusto kong bilisan ang pagpapatakbo ngunit baka sabihan niya nanaman akong tsansing kaya hindi ko na ginawa. Although I do want to hold her waist, just to ensure her safety, it will prevent her from falling.

"Saan ba tayo pupunta?" Finally! She talked.

"I already told you."

"Saan hindi sino." Inirapan niya ako, napangisi ako. I don't know why it amused me whenever she rolled her eyes at me.

"To a birthday celebration. The government's nephew celebrated his 20th birthday today."

"Oh? Magkaedad kami."

She's the same age as Cara. I wasn't shock though. 

"Ikaw? Ilang taon ka na?" Bumaling siya sa banda ko, halos magtama ang ilong namin kaya kaagad niyang iniiwas ang sariling mukha, lumaki ang ngisi ko.

"Twenty-five." I lazily answered, not making it obvious that I'm enjoying the flustered look on her face.

"Gurang ka na pala." She commented, napawi ang ngisi ko.

"What did you say?" Iritado kong tanong.

Tinikom niya ang bibig at hindi na nagsalita, ah gano'n pala ha. Pinalakasan ko ang pagpapatakbo sa kabayo, she screeched and cursed at me. Muntik na siyang mawalan ng balanse kaya napahawak siya ng mahigpit sa braso ko, glaring at me.

"Ganito ba ang gurang? Mabilis mangabayo?" I asked her.

Her lips parted and she blushed. Nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. Didn't know this innocent looking woman had a green mind. 

At dahil mabilis ang pangangabayo ko ay mabilis din kaming nakapunta sa mansyon ng gobernador, hindi lang naman ako ang gumamit ng kabayo, marami rin lalo na't kadalasan sa mga naimbitahan ay hasyindero. I prefer horse than a car because I grew up with them and was attached to them, it reminds me of my mom. 

Bumaba na ako sa kabayo at nag-angat ng tingin kay Arabelle. "Would you mind?" I smirked, finally asking for consent.

"No." Masungit niyang sabi at sinubukang bumaba ng mag-isa, at dahil hindi mataas ang damit na suot niya, mayroon akong hindi kaaya-ayang nakita, kaagad akong tumingin sa paligid para lang mahuli kung sinong nakakita, mabuti naman at wala.

"Yellow huh." I whistled.

Nanlaki ang mata ni Arabelle at kaagad na hinawakan ang saya, humalakhak ako at nagkibit-balikat samantalang pinandilatan niya naman ako ng mata. Pulang-pula na siya nang tinulak niya ako at kinurot sa tagiliran, I ouched but she didn't care.

"Sadista." Bulong ko.

"Manyak." Bulong niya rin.

I feel offended, in my twenty-five years of living, no one had ever called me that way, girls like it when I check them out and yet this woman just called me names! I glared at her, she glared back at me. 

"Adam Benjamin Carter! What a pleasure to meet you!" 

Bumaling ako sa pinanggagalingan ng boses, it was Mr. Governor, my father's friend. I gave him a polite smile and pretended to be a gentleman to the woman beside me. I guided her towards the man, Arabelle looked at me with confusion but I just gave her a look to behave.

"What a pleasure, Mr. Governor. Happy birthday to Aston." I said with a smile.

Nanigas ang babeng nasa tabi ko kaya napabaling ako sa kaniya. She looked pale, parang hindi siya makapaniwala sa pangalang binanggit. Why? Does he know who Aston is?

Beauty with the Beast (Cast a Spell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon