Special Chapter 2

11.2K 347 115
                                    

Dedicated to: xxyrrie
To the very first reader who messaged me on wattpad. I love you! You made me cry and made me want to pursue writing even more! I reached 1k! This is a milestone I will forever be thankful! Love you, guys!!

Mahal ko kayong lahat ╥﹏╥
As a thank you gift, here's the special chapter 2


***


Him

Akala ko kapag naging kami na, wala na akong kaagaw.

Madami pa palang nakapila.

Literal.

"Ang ganda ni author! Crush ko siya!" Ani ng babaeng nakapila sa harapan ko.

"Sorry, teh. Asawa ko 'yan." Sabi ng kasama niya.

"Akin siya." Hindi ko napigilang sabat sa dalawang babae.

Sabay nila akong nilingon kasabay ng singhapan ng dalawa. Ang isa ay namula habang ang isa ay nanlaki ang mata.

"Hala ka, teh. Boyfriend niya oh." Tulak ng isa sa babaeng kani-kanina lang inaangkin ang akin.

"H-Hi po! Ang g-gwapo niyo po!" Sabi ng namumulang babae.

"Huwag kayong nang-aangkin ng hindi sa inyo." Seryoso kong sabi, tinuturuan silang huwag gumawa ng masamang bagay dahil masama ang mang-agaw.

Napahiya ang dalawa at yumuko. Nagtaas lang ako ng kilay. Beauty must've noticed it that she turned our way, I smirked at her and she shook her head. Nagpatuloy siya sa pagpirma ng libro kasabay ng pag-usog ng nasa harapan. Ako ang nasa hulihang linya at pagkatapos niyang pirmahan ang libro ko ay isasama ko na siya sa pag-uwi dahil nakakainip na. Kanina pa ako antay nang antay na matapos siya.

"Sinabi ko sa 'yong huwag mo na akong antayin." Aniya nang ako na ang nasa harapan niya sabay lahad ng kamay para ibigay ko ang libro.

So I gave her the book she signed last year. She frowned.

"Napirmahan na 'toh." Aniya.

"Hindi 'yan." Binuksan ko ang libro kaya nanlaki ang mata niya nang makita ang loob.

"Adam!" Her cheeks flushed and she glared at me.

"What? Sign it just like how you signed your reader's books." I feigned innocence.

"Marriage certificate 'to! Seryoso ka?!" She looked at me incredulously.  

Humalakhak ako. It's obviously fake but it could pass as a marriage proposal.

"Ayaw mo?" Kunwari inosente kong tanong.

"Anong ayaw?" She hissed but her cheeks were flushed.

"Maging asawa mo." I motioned the certificate.

"Are you proposing? Seriously? While standing?" Sumimangot siya kaya ngumisi ako.

"Sige, luluhod ako." Sabi ko at umambang luluhod pero kaagad siyang tumayo at pinigilan ako. Mayroon pang natitirang tao kaya alam kong nahihiya siya sa atensyon.

"Tigilan mo ako sa mga pakana mo, Adam!" 

Humalakhak ako nang hinampas niya sa akin ang papel. Hinila niya ako paalis doon dahil nakukuha namin ang atensyon ng dumadaan.

"Ayaw mo ako maging asawa?" Tanong ko nang mapagtantong hindi niya pinirmahan ang marriage certificate ko.

"Tigilan mo 'ko." Nagpatuloy siya sa paghila sa akin pero tumigil ako sa paglalakad at hinila ang kamay niya nang mapagtanto ang katotohanang iyon.

Beauty with the Beast (Cast a Spell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon