XXIV

10.3K 291 50
                                    

Her

"Akala ko wala kang plano?" Nakangusong saad ni Cara kaya napatingin ako sa likod ko at nakitang papalapit na si Adam sa amin.

"I was bored . . ." Sabay sulyap sa akin.

"Ate paano lumangoy?" Si Sammy kaya napabaling ako sa kaniya.

I tried to distract myself by teaching Sammy how to swim kaso natigil ang pagturo ko nang may lalakeng tumabi sa akin para magpapansin.

"Derobe, turuan mo muna si Sammy lumangoy." Utos ni Adam sa babae.

"Ha? Hindi ako marunong lumangoy . . ." Mahinang reklamo niya, halatang takot pa sa lalake.

"Turuan mong mag-floating. Marunong ka naman no'n." His tone was in finality, no more complaining.

Boluntaryo ring lumayo sa akin si Sammy, dahil siguro sa presensya ng lalake. Si Cara naman ay umahon dahil ginugutom ito kaya siguro nakalapit na 'tong lalakeng 'to sa akin.

"Ano?" Nakakunot ang noo kong baling sa lalake.

He was still wearing his black mask and it was wet along with his face. I don't know why I felt a little kind of joy, considering that I knew what he looks like behind his mask while others doesn't.

"Do you want to see starfish?" He asked a random question.

Kumunot ang noo ko dahil sa kalituhan pero tumango nalang ako. He then pulled me away and I followed him along with the waves of the sea. Papalayo kami kung nasaan sila and we're going near the cave I saw at a distant. Maya-maya'y tumigil siya at nilingon ako kaya taka ko siyang tiningnan.

"Matulis ang bato dito." Aniya.

"So?" Taas ko ng kilay.

He poked his right cheek with his tongue as he tried his best not to smile but it showed. Ano bang ningi-ngiti-ngiti niya diyan?

"Hop on my back." He went in front of me and showed me his back, gusto niya yatang bumaba ako sa kaniya. Ano ako? Bata?

Hanggang dibdib ko na ang tubig pero hindi man lang umabot sa dibdib niya ang tubig. May mga bato nga akong natapakan kanina pero hindi pa ito matulis at sigurado akong masusugatan nga ang paa ko kung maglalakad ako sa kung saan niya man ako gustong dalhin.

"Kaya ko-"

"I know. Just let me." He said.

I sighed and gave up. Dahan-dahan akong pumatong sa likod niya at hinawakan niya naman ang dalawang paa ko sa magkabilang gilid ng tiyan niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang magsimula na siyang maglakad.

"In that cave. There's a lot of starfish in there." Turo niya sa nakita kong kuweba.

Hinayaan ko nalang siya at nilaro ang kamay sa nahahawakan na tubig. The presence of my hand created a ripple effect on the water and it entertained me. My face was unconsciously close to him that it was too late to realize it because he was smirking wide. Kaagad kong nilayo ang mukha ko at hinampas ang braso niya. Humalakhak naman siya kaya iniikot ko ang mata ko.

Unti-unti ang pag-ahon niya at doon ko napagtantong nakapasok na pala kami sa kuweba.

"We're here." Tumigil siya sa isang buhangin kaya nagulat ako dahil may ganito pala rito!

We were inside a cave but it has a hole on the surface so it was not dark inside. May puting buhangin din na mauupuan at ang dagat ay malinaw rin dito. Ang ganda! Binalingan ko si Adam at nakitang umupo siya sa buhangin, he pat the space beside him kaya tinabihan ko siya. May distansya, syempre.

Beauty with the Beast (Cast a Spell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon