Arabelle's Notebook

7.1K 147 0
                                    

Chapter 4 (draft)

Hands imprinting on my body. The countless screams inside a cage. Tears of defiance. A rope wrapped tightly around my wrist. His creepy smile. A knife touching my skin. Scream. Cry. Beg. Hate.

Iyon palagi ang napapanaginipan ko. And I hate it! I hate my dreams! I hate being alone!

Tapos iiwan niya lang ako ng one week?! Para saan?? Para hanapin ang fiancée niya?!

Hindi nga siya gusto ng babae! Dapag hindi niya na pinipilit! Wala na sila!

Miss ko na siya.

Tangina, miss ko na siya!

Nasaan na ba 'yong lalakeng iyon? Wala na akong kasama manood ng palabas na paborito ko! Kahit na hindi siya nanonood, ayos lang basta kasama ko siya!

And finally! After a week! Bumalik na rin siya sa akin.

Kailangan niya akong suyuin ng one week!

Pero marupok ako kaya sige na nga, ayos na nandito siya.

"Did you miss me, Beauty?"

Oo!

Umiling ako bilang pagsisinungaling.

He chuckled but I knew he knew how much I missed him. Eh kasi naman, kanina ko pa siya ayaw pakawalan sa kama.

If only I could chain him on this bed, I would! Parang may nakita nga akong posas sa kuwarto niya, eh. Kaso natatakot pa akong hawakan.

"What do you want for dinner?"

Tinuro ko siya.

Napaubo siya kaya nanlaki ang mata ko at nagpanic. Hindi iyon ang ibig kong sabihin!

Ang ibig kong sabihin— ikaw? Anong gusto mo? Gano'n! Bakit ang dumi-dumi ng utak niya?

"I-I'll cook adobo." Umamba siyang tatayo pero nanatiling nakapulupot ang kamao ko sa damit niya.

Nilingon niya ako, gulat at hindi makapaniwala.

"You want your dinner on bed?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Hindi iyon!

Pinakawalan ko siya at namumulang tinalikuran para makapikit.

Gusto kong magsalita at linawin ang sarili pero natatakot ako na baka hindi niya magustuhan ang boses ko! Ang pangit pangit! Ayaw kong makitang napapangitan siya!

Hopefully, when I find courage to talk to him, I'll be able to voice out my feelings for him.

How much I want to fondle his scar. How much I adore his face. How much I love him.

Beauty with the Beast (Cast a Spell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon