[ 6:30 pm. Nang sumapit na ang gabi, kumain at nagpahinga muna ang mga estudyante sa isa sa mga Inn ng Okinawa ]
( Sa kwarto )
Lee: Haay.. Sa wakas! Makakahiga na rin!
(sabay bagsak ng katawan sa higaan, habang si Akira naman ay nag-aayos ng gamit. Maya-maya lang , may kumatok sa pintuan.)
Lee: Ako na ang magbubukas. (at agad na bumangon)
Kyu: Pare! (agad na sabi nito nang pagbuksan ito ng pinto)
Lee: Oh kyu! Andito ka yata?
Kyu: Syempre naman! Ikaw talaga. Dito ako matutulog.
Lee: Talaga? Buti naman. Hehe dinala mo PSP mo?
Kyu: Oo, ako pa!
Lee: Oo nga pala, si Mei? Sino katabi nun?
Kyu: Ano ka ba pare. Bawal kaya magtabi ang mga babae at lalaki. Kasama niya sina Lyka.
Lee: Ahh ganun ba.
Kyu: Oh Akira, magsalita ka naman dyan. Naalala ko tuloy yung camping natin nung elementary.
Lee: Hahaha! Naalala ko rin yun. Yun yung una at huling gabi na magkatabi tayong tatlo na natutulog.
Kyu: Lakas mo nga humilik hahaha!
Lee: Hindi ah! Ikaw kaya malakas humilik! hahaha!
( At sabay na nagtatawanan ang dalawa. Maya-maya lang ay napatingin si Kyu kay Akira nang mapansin niyang di ito umiimik. Nakahiga lang ito at nakapikit ang mga mata habang nakikinig ng music sa ipod. Kinuha ni Kyu ang isang unan at ibinato iyun kay Akira )
Akira: Ano ba?! Natutulog yung tao eh! (inis na sabi nito)
Kyu: Ano ba kasi problema mo?
Akira: Wala. (at ipinikit ang mga mata ulit)
Lee: Kanina pa yan tahimik.
Kyu: Pare , tayo lang naman ang nagdadamayan dito. kaya sabihin mo na baka magkasakit ka pa sa bato. (sabay tawa)
Akira: (napabuntong-hininga) Iniisip ko si.. Mikki.. (mahinang sabi)
Lee: Sabi ko na nga ba.
Kyu: Si Mikki? Bakit? Namiss mo na siya?
Akira: Sila na ba ni Ren na yun?
Kyu: Hindi naman siguro. Wala naman akong naririnig na sila na. Kaya wag kang mag-alala pare, may pagkakataon ka pa . =D
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomantikA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))