----SA Train parin----
Akira: Gusto kong bumawi.. Kasi noon.. lagi ko nalang pinasasama ang loob mo. Wala na akong ginawang tama pero lagi mo naman akong tinutulungan. Kaya babawi ako Mikki.. Gusto ko na, masaya ka kapag kasama mo ako..
Seryoso itong nagsasalita habang nakatitig sa kanya kaya tuloy di na rin niya magawang ialis ang paningin dito.
Akira: Alam kong masaya ka kapag kasama mo si Ren kaya gusto kong.. hihigitan pa iyun.. kasi---
Napatigil ito sa pagsasalita nang bumukas na ang pintuan ng train.
Akira: Nandito na pala tayo.
Mikki: A-ah Oo..
Habang naglalakad sina Mikki at Akira papunta doon sa store na nagtitinda ng school supplies, nadaanan nila ang isang pet shop na nagtitinda ng iba't ibang klaseng hayop. Agad na napansin ni Mikki ang cute na mga tuta.
Mikki: Wow ang cute2x nila oh! Pasok muna tayo Akira!
At pumasok nga sila sa loob ng pet shop.
Mikki: Ang cute talaga nila Akira! Ahm, manong , pwede ko bang kargahin kahit sandali lang?
Tanong ni Mikki sa isang matandang lalaki na nagmamay-ari ng petshop.
Matandang Lalaki: Oo naman. (ngiting sabi nito)
At agad na kinuha ni Mikki ang isa sa mga tuta na nakadisplay doon. May tali pa itong ribbon sa leeg.
Akira: Mahilig ka sa aso?
Mikki: Oo. May tatlo nga kami sa probinsya.
Matandang Lalaki: Magandang breed ang mga yan, Bibigyan kita ng discount hijo para sa girlfriend mo.
Sabi nito kay Akira na para naman siyang manigas ng marinig iyun. Nagkukunwaring di niya ito narinig habang nakatingin siya sa aso.
Akira: Gusto mo Mikki?
Mikki: H-ha?
Akira: Yang hawak mong tuta, bibilhin ko para sayo.
Mikki: Eh..
Isinauli ni Mikki ang tuta sa kinalalagyan at lumapit kay Akira at sa Matandang Lalaki.
Mikki: Pasensya na po Manong. Pero.. bawal kasi ang aso sa dorm namin eh.
Matandang Lalaki: Ah ganun ba.
Mikki: Opo.. (at tumingin kay Akira) Bawal yun.. =(
Akira: Ang dami namang bawal doon sa dorm mo.
Matandang Lalaki: Ganun talaga hijo kapag dormitoryo. May mga patakaran sila na dapat talagang sundin.
Mikki: Pasensya na talaga manong. (at napatingin ulit sa mga tuta) Sigurado akong may bibili rin sa kanila. Ang cute2x nila eh.
Maya-maya lang ay agad na naalala ni Mikki ang bibilhin. Medyo na enjoy kasi siya sa katitingin ng iba pang hayop doon.
Mikki: Ahm manong, kailangan na naming umalis may bibilhin pa kasi kami.
Matandang Lalaki: O cge. Dumalaw kayo ulit dito sa susunod.
Mikki: Opo. Halika na Akira . ^_^
At lumabas na sila sa Pet shop. Diretsong pumunta na sila sa may school supplies at tinulungan na rin siya ni Akira na hanapin ang iba pang materyales na nasa listahan niya.
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomanceA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))