MCB - Chapter 17

246 7 2
                                    

Lyka: Salamat sa paghatid.

Tipid na sabi ni Lyka kay Lee ng inihatid siya nito sa dormitoryo.

Lee: Yun lang?

Lyka: Anong yun lang? E ano ba gusto mo?

Lee: Wala bang kahit kiss man lang?

Lyka: Ah ganun?? kaya pala gusto mo ako ihatid??

Lee: Di naman sa ganun. Baka kasi may mangbastos sayo sa daan.

Lyka: Ok, thank you. Inaantok na ako kaya umuwi ka na.

Lee: Eh lyka.. (sabay lapit sa kanya)

Lyka: B-bakit ba?

Lee: Kailan mo ba ako sasagutin..?

Sa pagkakataong yun, seryoso si Lee na nakatingin sa kanya.

Lyka: H-ha?? Bakit? Nanliligaw ka ba?

Lee: Ano ba sa tingin mo.?

Lyka: matapos mo akong asarin, gusto mo agad ako maging girlfriend??

Lee: Ayan ka na naman e..

Lyka: E totoo naman ah.

Lee: Di ko na uulitin yun.

Saglit na natahimik si Lyka. Iniisip niya kung ano ang dapat sasabihin. Gusto rin naman niya ito. Medyo nahihiya lang siya na aminin yun kay Lee.

Lee: Sagutin mo na ako. Alam ko namang may gusto ka rin sakin e.

Lyka: Ah ganun? ( taas kilay na sabi)

Akmang papasok na sana si Lyka sa pintuan ng dorm nang bigla siyang niyakap ni Lee sa likuran.

Lee: Binibiro lang naman kita e. Ang bilis mo kasing mapikon.

Lyka: Diyan ka magaling!

Lee: Sorry na.. Sagutin mo kasi ako..

Lyka: Ganun? Minamadali mo ako?

Lee: bakit? Nagdadalawang isip ka ba sa akin? Tsaka di kita pakakawalan 'pag di mo ako sinagot. (nakangiting sabi)

Lyka: ..Gusto mo lang naman akong subukan katulad ng naging gf mo noong elementary..

Lee: Di ah! (protesta nito) ba't mo naman naisip yun?

Lyka: Eh baka pag nagsawa ka na iiwan mo rin ako..

Lee: Seryoso ako Lyka..

Mas lalong hinigpitan nito ang pagkayakap sa kanya na naging dahilan naman upang lalong lumakas ang kaba niya.

Lee: ..Mahal kita...

Lyka: (lihim na napangiti) ..Totoo..?

Lee: Oo.. Kung gusto mo pa nga, araw-araw ko sasabihin iyun hanggang sa maniwala ka..

Lyka: Bakit mo ba ako mahal?

Lee: Eh.. di ko alam e. Ang alam ko lang, ikaw ang gusto kong makasama lagi at importante ka sa akin.

Kahit si Lyka ay napa isip rin kung bakit ba mahal niya si Lee e pasaway ito at lagi pa siyang inaasar.

Lyka: Ah ganun? (at kumawala siya sa yakap nito)

Lee: Eh ano nga ba sagot mo..?

Lyka: (ngumiti) Bukas! 7:30 am... girlfriend mo na ako. Goodnight! (at diretsong pumasok sa loob ng dormitoryo)

Lee: 7:30?(ngiting napailing si Lee habang iniisip yun) ganun? ;D


Kinabukasan...

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon