School Anniversary --- At dumating na rin ang araw na matagal ng pinaghahandaan ng lahat. May iba't ibang booth na nakadisplay doon at mga programs ng mga estudyante. Kaya masayang nagcecelebrate ang lahat pati na rin yung ibang estudyante na dumalo at galing pa sa ibang mga eskwelahan.
Lee: Ang daming tao. Umuwi nalang kaya tayo.
Kyu: Pumunta nalang tayo sa coffee shop nila Mei.
Lee: (napakamot sa batok) Anong room ba yun?
Si AKira naman ay panay ang hikab simula pa nang pumasok sila sa paaralan.
Kyu: Nasa 2nd floor yung room. Tayo na!
Akira: Wala bang bakanteng room? Gusto ko munang matulog.. inaantok ako e.
{Samantala.. Mini Coffee Shop}
Lyka: Ang liit lang ng customer natin..
Mei: Maaga pa naman. Mamaya dadami rin yan.
Lyka: Atsaka itong costume natin..
Sabay tingin sa sariling suot si Lyka. Hindi siya masyadong confident na magserve sa mga customers dahil sa ayos niya, hindi katulad ni Mei. Para sa kanya kasi, masyadong maiksi yung skirt at medyo fit yung blouse at may ribbon pa sila sa buhok ??
Lyka: (napabuntong-hininga) hindi ko maintindihan si Chidure.
Mei: Cute naman tayo tingnan e.
Lyka: Para tayong baliw!
Mei: Lyka, pag ganyan lagi ang mukha mo, wala talagang papasok na customer kaya, smile ka na jan okay? Wala na tayong magagawa.
Napipilitang ngumiti si Lyka habang naghihintay sila sa iba pang customers na papasok sa room. Maya-maya lang ay dumating na rin sila Kyu, Lee at Akira.
Mei: Nandito na sila Kyu!
Agad na tumalikod si Lyka ng makita niya si Lee. Nahihiya siya sa suot niyang damit.
Mei: Halika na Lyka. Bibigyan natin sila ng menu!
Lyka: Pe-pero---
Hindi na nakatanggi si Lyka dahil agad na hinawakan ni Mei ang kamay niya para pumunta sila sa kinauupuan nila ni Kyu.
Mei: Kyu! Buti naman at pumunta kayo dito ^_^
(agad na sabi ni Mei ng lapitan nila ang tatlo)
Kyu: Me-mei--!
Tila nabigla ito ng makita siya. Hinagod muna siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa bago ito muling nagsalita.
Kyu: Na-naalala ko kasi yung coffee shop na sinasabi mo kahapon..
Mei: Cute ba yung damit namin? :3
Kyu: A-ah.. Oo naman! Bagay na bagay sayo.! Diba Lee, Akira?
Tahimik na nakatitig lamang si Lee kay Lyka at si Akira naman ay.. natutulog sa mesa.
Kyu: Para kayong manyika.
Mei: Ngek! E kasi tong si Chidure. Siya ang pakana nitong costume namin.
Kyu: Ah ganun ba. Maganda naman kayo tingnan e.
Lyka: Kasi gustong-gusto niyo! (at bumaling kay Lee) 'Pag di mo titigilan yang katititig mo sa akin, ihahalo ko sa kape yang mga mata mo!
Lee: Ganun? (nakangiting sabi lamang nito habang pinagmamasdan si Lyka)
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomanceA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))