Nilapitan nila Kyu at Lee si Akira na natutulog lang sa kabilang mesa sa sulok ng room.
Lee: Kanina pa tayo nagtatrabaho. Si Akira naman ngayon. Gisingin mo, may kukunin lang ako. Dalhin mo siya sa labas. (at lumayo na ito)
Kyu: Oy Akira, gising! Tulongan mo naman kami. Oy!
Napipilitang gumising si Akira sabay hikab at napatingin kay Kyu.
Akira: ..bakit ba? (inaantok na sabi)
Kyu: Sarap ng tulog mo ah. Tumayo ka na nga dyan.
Pilit na pinapatayo at dinala siya ni Kyu sa labas ng classroom.
Akira: Bakit nandito tayo sa labas?
Kyu: Hintayin nalang natin si Lee.
At di nagtagal ay bumalik na rin si Lee na may dalang bondpaper at scotchtape.
Lee: Ikaw naman ang magtrabaho ngayon Akira.
Akira: huh?
Nilagyan nito ng tape ang bondpaper at idinikit sa polo ni Akira na may nakasulat na "FREE KISS".
Akira: A-ano toh??
Lee: O mga chicks dyan! Lingon muna kayo dito at may promo kaming free kiss sa sinumang papasok sa coffee shop namin! Kaya ano pang hinihintay niyo! PAsok Na! WOOoh!
Malakas na sigaw ni Lee sa dalang mini speaker kaya napalingon ang lahat sa kanila at nagsitakbuhan na lumapit kay Akira.
Akira: Te-teka ! AYoko----
Papasok sana si Akira sa coffee shop ngunit agad naman siyang hinawakan sa magkabilang braso nina Kyu at Lee.
Lee: At saan ka pupunta?
Kyu: Kailangan mong magtrabaho pare.
Parang demonyo na sabi ng mga ito at pagkuwa'y inihagis siya sa mga nagsisilapitang mga babae.
HAHAHAHA! !
Nang marating na ni Mikki ang kanilang coffe shop, medyo nagulat siya sa nakita dahil maraming tao sa loob at karamihan ay mga babae. Akala niya mas maraming lalaki ang papasok.
Lee & Kyu: Hi Mikki !! (salubong ng dalawa sa kanya)
Mikki: Nandito pala kayo.
Kyu: Oo. tumutulong kami. Hehe..
Lyka: Mabuti naman at nandito ka na Mikki. Kailangan namin ng tulong. Ang dami nating customer.
Mikki: Kaya nga nagtataka ako.
Mei: Ah.. eh.. Si Chidure?
Mikki: Susunod nalang daw siya at kasama niya si Keisuke . Oo nga pala si Akira?
Saglit munang natahimik ang apat bago nagsalita si Mei.
Mei: Eh .. Andun siya sa may kitchen natin Mikki.
Mikki: Ah ok.
At diretsong pumunta si Mikki sa mini kitchen nila nang..
Mikki: Akira?
Akira: Hi Mikki.
Mikki: Anong nangyari sayo? Bakit puro lipstick yang mukha mo??
Akira: (napakamot sa ulo) Sila kasi.. ginawa akong pa-in dun sa mga babaeng customer. free kiss pag pumasok. Wala akong magawa eh.
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomanceA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))