MCB - Chapter 19

233 8 2
                                    

Pagkatapos ng kanilang mga klase ay diretso ang lahat na inimbenta ni Chidure sa bahay para sa celebration ng birthday ni Mikki. At si Chidure na rin ang nag presentang host sa so-called mini party nila. May hawak pa itong microphone habang iniexplain ang hinanda nitong games para sa lahat. 

Di maiwasang mapansin ni Akira si Ren na laging lumalapit kay Mikki at minsan may ibinubulong pa ito na nagpapatawa kay Mikki. 

Keisuke: Akira.

Napalingon siya ng biglang lumapit si Keisuke.

Keisuke: Ok ka lang ba pare? Para kasing ang lalim ng iniisip mo.

Akira: Pagod lang ako..

Keisuke: (Napailing) sa tingin ko, hindi yan ang dahilan.

Napabuntong-hininga si Akira. Abot langit talaga ang galit niya kay Ren sa tuwing nakikita niya itong nasa malapit ni Mikki. 

Keisuke: Galit ka. Pero wala kang ginagawa. Baka maunahan ka pa.

Akira: Di ako galit.

Napatawa lamang si Keisuke at kinuha ang isang boteng alak na dala nito sa bag. Binuksan at naglagay ng maliit sa hawak na kopita. 

Keisuke: Dala ng dad ko noong nakaraang birthday ko. Galing Britania.

Akira: Ah..

Keisuke: Tikman mo.

Akira: Di ako umiinom pare.

Keisuke: (napangiti) Ngayon lang naman e. Pag may okasyon lang. Para sa birthday ni Mikki =]

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"HAPPY BIRTHDAY MIKKI!!"

Bati ng mga kaibigan ni Mikki at nagsimulang nagbibigay sa kanya ng mga regalo.

Ren: Happy Birthday Mikki. Regalo ko para sayo. Sana magustuhan mo. 

(sabay bigay nito sa dalang malaking paper bag.)

Mei: Ano kaya laman nyaaan??

Lyka: Mikki , buksan mo na!

Lee: Napaka excited mo naman. Para namang ikaw ang nagbibirthday.  (biro nito kay Lyka)

Mikki: Ok lang na buksan ko na? (tanong nya kay Ren)

Ren: (ngumiti) Ikaw ang bahala.

Chidure: Parang alam ko ang laman nyan.

Kyu: Bomba! Hahahahah biro lang!

At sinimulan ng buksan ni Mikki ang regalo ni Ren at lumantad sa kanya ang malaking teddy bear na kulay pink at may salitang "i love you" sa harapan nito.

Mei: wow ang sweet!!

Chidure: Sabi ko na nga ba e hahaha!

Kyu: Wala ka namang sinabi. lol

Lyka: Gusto ko rin ng teddy bear sa  birthday ko!

Lee: Walang problemo! Bibigyan kita!

Lyka: Talaga?

Lee: Promise! =D

Mikki: Ang cute! (habang minamasdan ang teddy bear)

Ren: Nagustuhan mo?

Mikki: Oo naman! THank you talaga Ren! 

Ren: Basta ikaw :)

Maya-maya lang ay napatigil si Mikki ng maalala si Akira. Dahil hindi pa ito lumalapit sa kanya simula ng dumating sila sa bahay. Nakatingin lamang ito sa malayo at sigurado siya na dahil iyun kay Ren na halos di lumalayo sa kanya. 

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon