[Kinaumagahan -- sa school]
Lee: Ginising kita kahapon pero tulog mantika ka parin eh. Kaya yun, iniwan nalang kita. Haay.. sayang yung araw pare. HOy Akira! Nakikinig ka ba? Hoy!
Akira: Ha? (matamlay na sabi. parang wala sa sariling tugon nya)
Lee: Ok ka lang pare?
(maya-maya lang ay lumapit sina Lyka at Chidure)
Chidure: Congrats akira! Yan ang napala sayo sa paglalaro ng damdamin ni Mikki.
Lee: Teka! ano na naman ba problema nyo?
Lyka: Bakit ?di mo alam?
Lee: Ang alin?
Akira: Wala na kami ni Mikki..
Chidure: At masaya kami dahil tama lang naman naging desisyon nya. Di nya kailangang magpaka-martir sa isang irresponsableng lalaki na katulad mo!
Lee: Teka Teka! Mukha di naman tama yan ah! Nilalait nyo kaibigan ko!
Lyka: Hoy Lee! Manahimik ka nga!
(lumapit na rin sina kyu at mei)
Kyu: Akira, ok lang ba sayo yun?
Akira: Ha?..
Kyu: Mahal mo naman si Mikki diba?
Mei: Humingi ka nalang ng tawad sa kanya. Mahal ka naman nun eh.
Lyka: Mei, di mo ba naiintindihan? Nasasaktan na si Mikki. Kaya mabuti nalang yung wala na sila.
Chidure: Kung sasaktan lang nya si Mikki. Di kami makakapayag.
Lee: Walang kasalanan si Akira! wala naman syang ginawa ah. Saka, saan ka ba pumapanig Kyu??
Kyu: Wala naman akong pinapanigan e. Di naman ako kasali sa problema nila ni Akira. Problema nila iyun at.. sila lamang ang makakaayos nun.
Lee: Haay.. Maiba ako kyu.
Kyu: Bakit?
Lee: Alam kong may assignment ka sa english. Pacopy naman oh!
Lyka: Tumahimik ka nga Lee! Hayaan mo yan Kyu!
Chidure: Kahit kailan talaga. Mga walang kwenta.
(napakamot lang si Kyu sa batok)
Mei: Pagbigyan mo na, magkaibigan naman kayo e (natatawang sabi)
Lyka: Hmp! Ang ganyang klaseng kaibigan, di dapat tinutulungan!
Lee: Ano ba problema mo?! Bakit lagi mo nalang ako pinag-iinitan??!
Mei: Ehem! Baka kung saan mapunta yan XD
Lyka: Ano ibig mong sabihin?! (agad na react nito) Pwede ba Mei! Di ko type ang ganyang klaseng tao!
Lee: Mas lalong di kita type!
Akira: Tama na yan pare
( Galit na umupo si Lee sa upuan)
Kyu: (napabuntong-hininga) kausapin mo si Mikki pare..
Akira: Galit na galit sya kahapon na para bang napakasakit ng ginawa ko.
Kyu: Baka napabayaan mo na sya.. Alam mo namang gf mo yun. Ganyan kasi yung mga babae, gusto nila na yung attensyon natin sa kanila lagi nakatuon.
Lee: Sarili lang nila iniisip nila! Saka nakakasawa yung ganun!
Kyu: Kung mahal mo yung babae, di ka magsasawa na gawin yun. Kung pwede nga lang, nakatira kami sa isang bubong ni Mei hehe.
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomanceA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))