Chapter ONE :
[6:00PM - Shibuya Academy] - Araw ng Biyernes..
Sir Hashibara: Ok Class! That's all for today.
(Pagsasara ng kanilang Professor sa kanilang Math discussion)
Akira: Woooh! Yesss! Sabado na rin bukas!
Kyu: Oo nga eh. Saan ang gimik natin bukas?
Lee: Sa computer shop!
Akira: Di ako makakasama bukas e. (sabad nya)
Lee: Bakit naman?
Kyu: Himala kung hindi ka sasama! (natatawang pahayag nito)
Akira: Bukas pupunta ako sa bahay ng lola ko e.
Kyu: Dun sa Kyoto??
Akira: Oo.
Lee: Naman oh!
"ATTENTION!!", sigaw ng isa sa kanilang class officer na si Chidure.
Chidure: Wag munang uuwi ang Group 5! Dahil Tayo ang naka- assign na maglinis ng classroom ngayon! MAliwanag ?!!
Kyu: Ayan na naman.. (mahinang sabi)
Chidure: At kung sino man ang uuwi na hindi naglilinis! Wag na wag na kayong magpapakita sakin sa Lunes dahil titirisin ko kayo ng pino-pino! (tukoy nito sa mga kamember na lalaki)
Mei: Oy, narinig niyo yan ha?!
(Nagtinginan sina Lee,Kyu at Akira)
Kyu: Haay.. (sabay kuha ng walis) Ano ba ang silbi ng mga janitor sa paaralang ito? (reklamo nya)
Chidure: Bakit Kyu?! MAY PROBLEMA?!!! (taas-kilay na sabi)
Kyu: A-ah wala po ma'am! (sabay salute kay chidure)
[Lumipas ang ilang minuto]
Akira:Tayo na!.. (bulong nya kay Kyu)
Kyu: Di pa tayo tapos e. Panu tayo makakalabas? (bulong rin nya dito)
Lee: Di na yan makakahalata.
(Habang tinitignan nila si Chidure na abala sa pagwawalis)
Akira: Kunin mo na yung bag mo. bilis!
Mikki: Hoy! Saan kayo pupunta?
Lee: Sshh! Wag kang maingay!
Mikki: Akira... (nagbabalang tingin nya dito)
Akira: Hayaan mo na kaming makalabas. Tutal marami naman kayo..
Mikki: Akira, Ilang be---
Lee: Ano ka ba naman Mikki (putol nito sa iba pa nyang sasabihin) Di ka ba naaawa kay Akira? Masakit ang ulo nyan. Kala ko ba mahal mo si Akira?
Akira: Lee! (saway ni Akira)
(Saglit na napa-isip si Mikki habang tinitignan ang tatlo na parang maamong tupa na nakatingin sa kanya.)
Mikki: ..Oo na! Pero last na 'to! Sa susunod ,di ko na kayo pagtatakpan pa..
Lee: Ok!
Kyu: Ano, aalis na tayo? (dala-dala na nito ang bag nito)
Akira: Oo. Salamat Mikki. Ang bait-bait mo talaga! I love you !
Mikki: Umalis na nga kayo! Mahuli pa kayo ni Chidure..
(At agad na umalis ang tatlo)
Lyka: Hinayaan mo na naman ang mga yun??
(Buntong-hininga lamang ang naging sagot nya sa tanong ni Lyka)
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomansA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))