MCB - Chapter 3

431 14 3
                                    

Lee: Anong kailangan nyo?

Mikki: Lee, Akira, nakita nyo ba yung kaibigan nyo?

Akira: Si Kyu?

Chidure: Oo si Kyu! Kailangan namin syang makausap!

Akira: Di namin alam kung saan nagpunta.

Lyka: O baka naman tinatago nyo sya sa amin!

Lee: Ha? Ba't naman namin gagawin yun??

(Habang si Mei ay tahimik lamang na nakikinig sa likuran)

Akira: Ano ba ang problema Mikki? (nagtatakang sabi)

Mikki: Wala bang nabanggit si Kyu sa inyo ?

Lee: Wala. Atsaka, mukhang galit yun sa amin e.

Chidure: Pwes! Tayo na ang maghahanap!

(at agad na umalis na sina Chidure sa classroom)

Akira: May atraso ba si Kyu sa mga iyun?

Lee: Siguro. Eh galit na galit sina Chidure at Lyka e. Kulang nalang ay kumain ng tao.

Akira: Yung mga babae talaga, nakakatakot paminsan-minsan.

Lee: E kumusta naman kayo ni Mikki?

Akira: Ok lang naman kami. Alam kong mahal na mahal nya ako at di niya ako iiwan. (confident na sabi)


[Sa Hallway..]

Lyka: Hayun si Kyu! 

(sabi nito ng makita si Kyu malapit sa hagdanan)

Chidure: Ngayon humanda ka! KYU!! 

(Tawag ni Chidure kay Kyu. Nang marinig nito ang boses ni Chidure, agad na tumakbo ito papalayo)

Chidure: Akala mo siguro makakalabas ka noh! Nagkakamali ka! (at nagsimulang tumakbo upang habulin si Kyu. agad namang nakita sya ni Keisuke)

Keisuke: Chidure.

Chidure: (napahinto) Keisuke!

Keisuke: May problema ba?

Chidure: Wa-wala! ano kasi, teka. (at nilingon  sina Lyka) Lyka, Mikki at Mei. Kayo na ang humabol sa kanya! Dalhin nyo sya sa rooftop, susunod na ako.

Lyka: OK! ako na ang bahala sa taong yun! (at umalis na sila)

Keisuke: May hinahabol ba kayo?

(Tanong ng kasintahan nyang si Keisuke nang sila nalang dalawa)

Chidure: Ah oo! pero di naman gaanong importante (pacute na sabi)

Keisuke: Ah ganun ba.

Chidure: Saan ka galing?

Keisuke: Sa lab, may experiment kasi kami ngayon, medyo mahirap nga e. Dapat mo kasing i-analyze yung mga buto ng isda.

Chidure: Gusto mo tulongan na kita? (agad na sabi)

Keisuke: Hindi ok lang (ngiting sabi) maso-solve ko rin naman yun sa huli.

Chidure: Galingan mo. :)

Keisuke: Oo. Para sayo gagalingan ko.

Chidure: (kinilig) Talaga? Ang sweet mo naman!

Keisuke: Libre ka ba mamayang hapon?

Chidure: Ah oo naman! 

Keisuke: Ako rin. Naisip ko kasing ipasyal ka. Matagal-tagal na rin na di tayo pumapasyal.

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon