MCB - END Chapter

439 13 6
                                    

L A S T  C H A P T E R:

Next Day - Sa School.

Lyka: Oh, ano?

Chidure: Nangako tayong bawal maglihim huh.

Mei: Kaya magkwento ka na Mikki! hehehe :D

Salubong ng mga ito pagpasok niya sa classroom. Talagang hinintay ng mga ito ang pagdating niya. Nang mapatingin siya sa kinauupuan ni Akira ay wala pa ito ngayon.

Chidure: Oy Mikki! Naririnig mo ba kami?

Mikki: Oo na. (napabuntong-hininga) Ano ba gusto niyong malaman?

Mei: Gusto namin malaman kung may nangyari ba sa inyo ni Akira!

Excited na sabi nito kaya agad na tinakpan niya ang bibig ni Mei. Buti nalang at busy ang iba nilang kaklase na nag-uusap.

Mikki: Ano ba Mei! Hinaan mo naman yung boses mo! (pabulong niyang sabi)

Mei: Ay , sorry hehehe

Chidure: So, may nangyari? (taas-kilay na tanong nito)

Mikki:  .. Ba-bakit niyo naman naisip yun..? 

Nakayukong sabi niya. Parang kasi siya nahihiyang aminin sa mga ito na may nangyari nga sa kanila ni Akira.

Lyka: Yung totoo Mikki. (seryosong sabi nito)

Mikki: Oo na.. (huminga muna siya ng malalim at tumingin sa mga ito) Meron. 

Mei: Talaga?! So tama pala ang hinala namin hahaha! (kilig na reaksyon naman nito)

Chidure: Nagpaubaya ka sa kanya o sadyang nirape ka?

Mikki: Hindi noh. Grabe naman yung rape.

Lyka: Mikki, sigurado ka na ba dyan? Baka masaktan ka naman ulit.

Mikki: Naisip ko rin naman  yun Lyka pagka-gising ko kahapon. Pe-pero nag-usap na kami tungkol dun.. 

" At ?? ", sabay na tanong ng tatlo. 

Mikki: Sabi niya sakin na kahit lasing siya at nagawa niya iyun,..   wala naman siyang pinagsisisihan dahil... Mahal niya ako..

Mei: Wow~ Kilig naman.!

Chidure: Pero Mikki, possibleng sinabi lang niya iyun para pagtakpan ang nagawa niyang kasalanan sayo.

Mikki: (napa-iling) Noon, alam kong peke yung mga salita niya. Pero ngayon, nagbago na siya. Seryoso na siya sa pagkakataong ito..

Lyka: Nag-aalala lang kami sayo Mikki~

Mikki: Alam ko.. Pero di naman impossibleng hindi seryoso si Akira. Nagawa nga ni Lee at Kyu na magbago diba?

Lyka: Hay naku! Inamin lang ni Lee na mahal niya ako pero yung ugali niya ay ganun parin! Sakit sa ulo!

Mei: hahaha! Pero sa kasamaang palad ay Mahal mo!

Chidure: Mikki.. Pag inaway ka ni Akira , sabihin mo lang samin. Ok? (ngiting sabi nito)

Mikki: Oo . Salamat sa pag unawa Chidure, pati na rin sa inyo Lyka at Mei.

Lyka: Oo naman. Kung saan ka masaya , susuporta kami.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Akira. Napalunok si Akira ng umupo na siya sa kanyang upuan. Randam kasi niya ang matatalim na titig ng mga kaibigan ni Mikki. Tuloy, para siyang nahihirapang huminga. Pakiramdam niya ay nakaupo siya sa "hot seat" dahil siguro ay alam na nito ang tungkol sa kanila ni Mikki. Minabuting iwasan na lamang ni Akira ang tumingin sa mga ito.

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon