Biglang napaubo si Akira habang umiinom ng canned juice.
Lee: Dahan-dahan lang sa pag-inom pare! (sabay tawa ng dalawa nyang kaibigan)
Kyu: Haha Ok ka lang Akira?
Akira: Di naman ako mabilis uminom ah!
Kyu: Baka pinag-uusapan ka ng ibang tao.
Akira: Ba't naman nila ako pag-uusapan ?
Lee: Ano ,tutuloy ba tayo mamayang hapon?
Kyu: Depende iyun kay Akira.
Akira: Oo naman! Di tayo natuloy kahapon e.
Lee: Sa wakas! Mabibili ko na rin yung PSP! HAHAHA!
"KYU!", sigaw ng boses sa kanilang likuran.
Kyu: Huh? (napalingon)
Nuriko: Pasensya na sa abala. (habang hawak ang malaking box) Pwede bang ikaw nalang ang maglagay nito sa bodega (at agad na ibinigay sa kanya)
Kyu: Teka! Di pa nga ako omoo, Ang bigat nito ah! Ano bang laman nito?
Nuriko: Mga old books sa library. Pinapatawag kasi ako ni Sir Takao, kaya di ko na madadala yan doon.
Lee: (tumawa) Buti di ako ang tinawag! Haha!
Nuriko: sige na, ikaw na ang bahala dyan. (at umalis na)
Kyu: TeKa!!!
(Galit na pinuntahan na ni Kyu ang bodega sa likod ng kanilang eskwelahan)
Sa Bodega
Galit parin na ibinaba ni Kyu ang malaking kahon. Ayaw talaga nya yung inuutusan na magbuhat ng mabibigat na bagay. Nagagawa naman nyang buhatin iyun, pero para sa kanya mahalaga ang bawat oras nya at wala syang panahon o oras para magbuhat ng kung anu-ano. Napalingon sya nang may maramdamang tao sa likod.
Kyu: Mei. (sabi nya ng makita ito)
Mei: Oh nandito ka pala Kyu. (may hawak itong tatlong libro) sabi ni Sir Takao, kasama daw ito sa mga librong nasa loob ng box
(Pagkuwa'y pumasok na ito para i-abot sa kanya ang libro , nang..)
Kyu: Mei! ang pinto!!
Mei: H-ha?? (napalingon sa pinto)
[Lumipas ang ilang oras... 5:30PM--DISMISSAL]
Lyka: Saan ba nagpunta si Mei?
Chidure: Pagkatapos ng breaktime natin sa canteen di na sya bumalik
Mikki: Di ba sabi nya, pupunta sya ng library?
Lyka: Puntahan natin yung library.
[Sa labas ng school gate]
Akira: Nasaan na ba yung taong yun?
Lee:Tagal naman ni Kyu! Di kaya umuwi na yun? Baka tinamad pumasok kaya nag-cutting classes.
Akira: Teka tatawagan ko. (at kinuha ang cellphone sa bulsa) out of coverage yung cellphone e.
Lee: Baka umuwi na yun! Kaya tayo na, bibili pa ako ng PSP
Akira: Napaka-excited mo naman pare!
Lee: Syempre! Matagal kong pinag-ipunan yun e! Baka ma- out of stock na sila!
Akira: Pwede mo naman hiramin yung sakin.
Lee: Ayoko! Ikaw nga gusto kong kalabanin 'pag nabili ko na yun, kaya halika na!
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomanceA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))