MCB - Chapter 11

200 8 0
                                    

Mikki: Uhm... ku-kumusta na ang pakiramdam mo? (nahihiyang tanong nito)

Akira: Ah.... pasok ka muna... 

(Inanyahan na niya itong pumasok. Nang kapwa na silang nakaupo, Namayani ang ilang saglit na katahimikan bago unang nagsalita si Mikki.)

Mikki: Uhm.. ang sadya ko talaga dito ay para ibigay sayo ito. (sabay abot sa kanya ng notebook) Andyan yung lahat na mga notes na isinulat namin kanina , para naman di ka mahuli sa lesson..

Akira: Salamat..

Mikki: Akira. Ku-kumain ka na ba?..

(tanong nito ngunit di tumitingin sa kanya)

Akira: Eh.. 

(Ngayon lang niya naalala na hindi pa pala siya kumakain buong araw dahil lagi siyang nakahiga sa kuwarto.)

Mikki: May.. may binili akong soup.. 

(sabay kuha nito sa biniling soup ,kaya pala may dalang maliit na plastic bag.  Pagkuwa'y napatingin sa kanya. Sa pagkakataong yun, di na nito inaalis ang tingin nito sa kanya. Nakita niya ang pag-alala sa mukha nito)

Mikki: Akira..?

Akira: Bakit Mikki?

Mikki: Ok lang ba pakiramdam mo? .. Para kasing..--

Akira: A-ah oo ok lng ako. (agad niyang sabi)

Ngunit para namang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya. Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya, pagkatapos dinama nito ang kanyang noo.

Akira: Mikki... (tuloy di niya alam ang sasabihin)

Mikki: Akira, ang init-init mo. Halika, higa ka muna sa kuwarto. 

Inalalayan na siya nitong tumayo at lumakad papunta sa kanyang kuwarto. Tuloy parang nahihiya siya kay Mikki, para kasi siyang pasyente na inalalayan ng nurse. Nang makahiga na siya sa kama ay nagpaalam itong pupunta sa kusina, pagbalik nito may dala na itong malaking bowl na may malamig na tubig.

Mikki: Wala ka bang  kahit face towel man lng?..

Akira: Meron.. nasa drawer.

(Agad na tinungo nito ang drawer at madaling nahanap naman nito ang face towel at ibinasa sa malamig na tubig pagkatapos ay pinuga at inilagay sa noo ni AKira.

Akira: Mikki.. alam mo.. Hi-hindi mo naman kailangan gawin to..

Mikki: Bakit hindi ka kumain? Wala akong nakitang pagkain sa kusina mo. (tanong nito na ngayo'y nakaupo sa tabi ng kama)

Akira: Di naman ako gutom eh.. Saka nakatulog ako.. 

Mikki: Edi lalong lumala yang sakit mo !

Akira: Di naman tatagal ito Mikki, mawawala rin ito bukas..

Mikki: Uminom ka ba ng gamot?

Di na siya nagsalita dahil wala naman talaga siyang ininom na gamot. Tubig lang ang lagi niyang iniinom.

Mikki: Wala ka ring ininom na gamot? Paano ka gagaling niyan? Mahal mo yata ang sakit mo eh.

Akira: Eh Mikki--

Mangangatwiran pa sana siya nang biglang napaluha si Mikki na ikinatitigil naman niya. Agad siyang napabangon dahil dun.

Akira: Mikki..

Hanggang sa tuluyan na itong umiyak habang sapo ng mga kamay nito ang mukha.

Akira: Mikki.. sorry na... (at mahigpit na niyakap niya ito) Wag ka ng umiyak please..

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon