Sa Apartment naman ni Akira..
Habang abala na nakatutok si Akira sa laptop, abala rin si Mikki sa pagtitingin ng mga DvD's ni Akira sa cabinet.
Mikki: Akira, wala ka man lang bang romance or di kaya'y comedy na dvd?
Akira: Wala eh.
Mikki: Bakit puro pagpapatay ng tao 'tong mga dvd's mo? Balak mo bang maging serial killer pagka graduate mo??
Akira: Hindi naman sa ganun. Mas enjoy kasing panoorin ang mga yan.
Mikki: Ano namang nakaka-enjoy dito? Yung pagdurog-durogin yung puso ng tao tapos putol-putolin yung parte ng mga katawan??
Akira: Yun na nga! Yun ang tinatawag nating "The art of killing".
Mikki: ...weird..
[Nang matapos na ang pinapanood nina Lyka at Lee, napansin ni Lyka na hindi parin bumabalik sina Mei at Kyu.]
Lyka: Saan na ba ang mga yun?
Lee: Baka umuwi na.
Lyka: Iniwan nila tayo?!
Lee: Eh alam mo namang gusto nila makapagsolo. Dinidisturbo mo eh.
Lyka: So kasalanan ko pa ngayon?!
Una ng lumabas si Lyka habang nakasunod naman sa kanya si Lee.
Lee: Nagugutom ka na ba?
Tanong ni Lee sa kanya ng makalabas na sila sa cinema.
Lyka: Oo.. (mahinang sabi)
Lee: O sige bumili ka ng pagkain mo dahil bibili rin ako.
Lyka: Ganun?? (sabay hampas kay Lee) Sana di ka nalang nagtanong! Nakakainis ka talaga!
Lee: Aray! Ano bang mali sa ginawa ko?
Lyka: Ewan!
Akmang iiwan na sana niya ito nang agad namang hinawakan nito ang braso niya sabay hila sa kanya papalapit dito. Tuloy , malapit lang ang mukha nila sa isa't isa. At inaamin niyang , doon siya laging nanghihina.
Lyka: Wa--wag mo nga akong pabigla-biglang hinihila!
Pilit na tinarayan niya ang boses para matakpan ang kanyang pagkailang dito.
Lee: Ikaw naman kasi e, pabigla-biglang nagwo-walk out.
Lyka: May nagwo-walk out bang namamaalam muna ha?!
Lee: Tumahimik ka na. Alam ko kung ba't ka nagkakaganyan. Bibilhan naman kita e. Binibiro lang naman kita kanina. Highblood mo kasi. Ano ba gusto mong kainin?
Natahimik si Lyka at lihim siyang natuwa dahil akala niya mabagal itong mag-isip.
Lee: Ano gusto mo?
Lyka: Siopao nalang..
At bumili si Lee ng dalawang siopao pati softdrinks. Nagsi-upo sila sa may bakanteng bench.
Lee: Ibibigay ko sayo itong isang siopao, ngumiti ka muna.
Lyka: Pangingitiin mo ako pagkatapos mo akong asarin?
Lee: Binilhan naman kita ng siopao e. Kaya ngumiti ka na.
Lyka: Tumahimik ka nga Lee! Hindi yan nakakatawa.
Lee: Ayaw mo? Edi kakainin ko na itong dalawa.
Nagsimulang kinain na nito ang isang siopao.
Lyka: Oo na! (napipilitang ngumiti sya dito)
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
RomanceA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))