MCB - Chapter 4

422 12 0
                                    

[ Sa Library ]


Chidure: (tumayo) Kailangan ko ng umalis. Dismiss na nila ni Keisuke eh. May date pa kami! (kilig na sabi)

Mei: Talaga? Ang sweet nyo naman!

Lyka: Sige, mag-ingat kayo Chidure.

Chidure: Oo. (at bumaling kay Kyu) Hoy Kyu!

Kyu: Ba-bakit? (sabi nito habang kunwaring nagbabasa ng libro)

Chidure: Siguraduhin mo lang na naiintindihan mo ang binabasa mo. Baka nakakalimutan mo ang goal mo!

Kyu: Oo alam ko..

Chidure: Good. ok aalis na ako bye!

(Maya-maya lang ay dumating si Lee at tumabi kay Kyu)

Lee: Kyu! (bulong nito)

Kyu: Ba't ka nandito?

Lee: Syempre, nag-alala rin ako sayo!

Kyu: Si Akira?

Lee: May date sila ni Mikki e, kaya naiwan akong mag-isa.

Lyka: At ano ginagawa mo dito Lee?

(Pansin ni Lyka ng marinig silang nagbubulongan. Napatigil rin si Mei sa pagbabasa)

Lee: Ah eh, mag-aaral! (at agad na kinuha ang isang libro sa mesa )

Lyka: Mag-aaral? (taas-kilay na sabi)

Lee: Oo! Mag-aaral ako! advance study!

(at ibinalik na ni Lyka ang paningin sa libro upang magbasa ulit)

Lee: Kyu , alam na namin kung ano ang nangyari. (bulong ulit nito)

Kyu: wag kang maingay! baka marinig ulit ka nyan!

Lee: Eh medyo nagulat kasi kami ni Akira nang malaman namin yun! Di namin inakala na ganun ka pala kabilis! 

Kyu: Ano ka ba! Pati ba naman kayo? Di ko nga sinadya yung nangyari.. Na-natukso lang ako...

Lyka: Ano ba?! Mag-aaral ba kayo o magchichismisan?! 

(agad namang natahimik ang dalawa)


( Samantala.. dinala naman si Mikki ni Akira malapit sa ilog sa bahaging gilid ng routa patungong Sendocho)

Akira: (umupo sa may damuhan) Ito ang pinakapaboritong kong lugar sa lahat. Tahimik kasi pwede kang magrelax.

Mikki: Ano naman maganda dito? (matamlay na sabi)

Akira: Halika umupo ka sa tabi ko, at ipapakita ko sayo.

(at sinunod naman ni Mikki ang sinabi nito)

Akira: Pagmasdan mo ang paglubog ng araw. Diba ang ganda tingnan? Nakakarelax. (pagkuwa'y humiga)

(Saglit munang natahimik si Mikki habang minamasdan ang araw..tama nga ito, napaka-gandang tignan habang unti-unting lumulubog ito)

Akira: Matagal ko ng napansin na maganda ang view ng araw dito.

Mikki: Di ko inakala na mapapansin mo rin pala  ito.

Akira: Eh sa hilig kong maglakwatsa , kung anu-ano nalang ang nadedeskubrihan ko.

Mikki: (napangiti) Dito ba tayo magdedate?

Akira: Oo. Pangit ba?

MIkki: Di naman. Tamang-tama lang.

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon