MCB - Chapter 7

277 10 0
                                    

[Kapwang natahimik sina Lee at Akira pagkatapos sabihin ni Lee ang

pangyayari kahapon. Ang biglaang paghalik ni Lyka sa kanya habang natutulog

sa rooftop. Maya-maya lang ay dumating si Kyu]


Kyu: Oh , ang tahimik niyo yata ngayon ah


Akira: Si Lee kasi kahapon hin——


(Agad na tinakpan ni Lee ang bibig ni Akira)


Kyu: Ano ba yun? (nagtatakang sabi)


Lee: Wa-wala.


Kyu: May inililihim kayo sakin eh. Ano ba yung hin?


Lee: H-ha?! ...ano kasi.. may.. may daga sa ..apartment ko.. tapos hinimatay ako..


(Saglit na natigilan si Kyu. Pagkatapos ay napatawa ng malakas. Tawa ng tawa ito habang tahimik na nakatingin lamang sina Lee at Akira)


Kyu: Ano ka ba pare! Hinimatay ka dahil lang sa isang DAGA?? Bakla ka ba pare?! (natatawang sabi)


Lee: Anong bakla?! Hindi ako bakla!


Kyu: Eh ba't ka hinimatay sa isang daga lang ?


Lee: Nabigla lang ako. Ubod ng pangit kasi nung daga! Yun lang!


Kyu: Ah hahaha ok! ok! (halatang pinipigilan ang pagtawa)



[10:30 AM sa Room]


Akira: Bakit ayaw mong malaman iyun kay Kyu?


Lee: Wag na.


Akira: Bakit nga?


Lee: Ah basta! (seryosong sabi)


Akira: Edi ikaw.



[ Sa Library ]

( Habang isinauli ni Kyu ang libro sa bookshelf , napalingon siya nang may tumawag sa kanya )


Misaki: Hi!


Kyu: Hi, ano nga ulit yung pangalan mo?


Misaki: Misaki, tawagin mo nalang akong Misa .


Kyu: Ah ok. Pasensya na kung nakalimutan ko yung pangalan mo.


Misaki: Naku , ok lang yun. May hinahanap kang libro?

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon