MCB - Chapter 20

258 4 1
                                    

Lyka: Bakit di sinagot ni Mikki yung phone??

Mei: Baka masama pakiramdam niya kaya di pumasok.

Chidure: Hindi. (sabad naman nito) Tignan niyo. Absent rin si Akira.

Agad namang napalingon ang dalawa sa kinauupuan ni Akira at wala nga ito.

Mei: Oo nga noh.

Chidure: Lasing si Akira ng inihatid nila ito sa kanyang apartment, atsaka sabi ni Keisuke sakin, andun pa si Mikki bago siya umuwi.

Lyka: Wag mong sabihing..

Chidure: Di natin alam.  Baka nga.

Mei: (kinilig) Ibig sabihin magkakabalikan na sila ni Akira! Excited na akong tanungin siya kung ano ang nangyari! 


Sa Apartment. Tahimik na nakaupo sina Akira at Mikki pagkatapos nilang kumain ng agahan. Panay ang buntong-hininga ni Akira habang si Mikki naman ay iniiwasan ang tingin niya.

Akira: ..Ahm... Mikki..  ga-galit ka ba..? Kung gusto mo... sampalin mo nalang ako o kahit ano man ang gusto mong gawin... mawala lang galit mo..  Patawarin mo ako Mikki...

Sa pagkakataong iyun, tumingin si Mikki sa kanya. 

Akira: (napalunok) ..Mikki

Mikki: Hindi naman ako galit e..

Akira: Hindi ka galit..?

Mikki: (napa-iling) ..hindi nga...

Akira: Yu-yung... nangyari..

Mikki: ..Nagawa mo iyun dahil lasing ka..

Akira: Pero Mikki.. sa totoo lang, wala naman akong pinagsisisihan sa nangyari.. Hindi yun dahil lang sa lasing ako.. 

Nahihiyang sabi niya rito. Hindi alam ni Akira kung kailan nagsimula ang di maipaliwanang na damdamin  niya para kay Mikki. Hindi naman siya ganito dati. Pero ngayon para siyang takot na mawala ito at walang araw na hindi niya ito iniisip. Mababaliw na yata siya sa kaiisip.. 

Akira: Mikki.. Ayokong mapunta ka sa iba.. lalo na kay Ren.. kasi... Mahal na mahal kita Mikki.... Ok lang sakin na.. hindi mo ako tutulongan sa school.. Wag ka lang mawala sakin Mikki...

Tahimik lang itong nakikinig sa kanya at pulang-pula ang mukha nito. Hindi niya alam kung naniniwala ba ito sa kanya o hindi. At di na niya alam kung ano pa ang sasabihin para kumbinsihin ito na seryoso na siya ngayon.. Pagkuwa'y napatitig siya sa mga labi nito. Tuloy naalala niya ang nangyari kagabi.. Natutukso siyang halikan ito.

Akira: Mikki.... bumalik ka na sakin..

Nagbaba ito ng tingin. Nang di pa rin ito nagsalita ay iniangat niya ang baba nito at di mapigilan ang sarili na halikan ito. Masuyong hinahalikan niya ito na kanina pa niyang gusto gawin. Di rin naman ito umiiwas at sa halip ay tumugon lamang ito sa halik niya. Hinayaan siya nitong gawin ang gusto niya kaya malaya ang kamay niyang naglalakbay sa katawan nito habang walang sawang hinahalikan ito. Dahan-dahang binuksan niya ang buttones ng suot nitong blouse nang biglang mag ring ang cellphone ni Akira. Napahinto siya at parang natauhan sa ginagawa.

Mikki: Yu..yung cellphone mo... 

Sabi nito na di tumitingin sa kanya. Halatang nahihiya ito lalo na sa ayos nila ngayon.

Akira: (napabuntong-hininga) Naman oh..

Mikki: Baka si Lee ang tumatawag..

Akira: Wala namang magandang sasabihin iyun. 

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon