MCB - Chapter 10

225 5 0
                                    

Kyu: Tagal naman ni Akira. Malapit ng magsimula ang klase.

Lee: Eh baka, wala talaga yung balak makipag-usap sakin.. 

Kyu: Hindi naman siguro magsisinungaling yun sa atin.

(Maya-maya lang , biglang tumunog ang cell ni Kyu.)

Kyu: Message galing kay Akira.

Lee: Oh anong sabi?

Kyu: Eh, di daw siya makakapasok. May lagnat daw siya.

Lee: Ganun ba.

Kyu: Puntahan natin siya mamayang uwian.

Lee: Sige..

Nang magsimula na ang klase, napansin ni Mikki na wala parin si Akira sa kinauupuan nito. Inisip nya na baka late lang ito at darating rin mamaya ngunit  nang magbreak time ay wala pa rin ito. Nagpasya siyang tanungin sina Kyu at Lee.

(Habang seryosong nag-uusap ang mga ito, lumapit siya at nagtanong.)

Mikki: Wala yata si Akira..?

Kyu: Absent siya Mikki.

Mikki: Bakit naman?

Lee: May sakit. Dadalawin nga namin mamaya.

Mikki: Ah.. ganun ba..

Kyu: Gusto mong sumama?

Mikki: H-ha? Ah..  Pu-pupunta ako ng library eh.. (at agad na iniwan na niya ang mga ito. Baka kung anu-ano pa ang itatanong .)

Mei: Oy Mikki, Halika sabay tayo mag recess..

Mikki: Ah ok.

Mei: Kyu! (tawag nito sa kasintahan)

Kyu: Oh?

Mei: Kami muna ni Mikki ang magrerecess ngayon ok?

Kyu: O sige.

Mei: (lumapit kay Kyu) Bibilhan nalang kita. ano gusto mong kainin?

Kyu: Kahit ano. (sabay kuha ng wallet at binigay kay Mei ang pera) Eh sayo pare? Libre kita ngayon! (lingon nito kay Lee)

Lee: Burger nalang.

Kyu: Kasya ba yang 50, mahal ko?

Mei: Ok na 'to.

Kyu: Gusto mo dagdagan ko?

Lee: Alam mo pare, napansin ko, medyo mayabang ka sa harap ng girlfriend mo. haha!

Kyu: Ayoko lang naman makulangan si Mei sa pagkain. ( concern na sabi)

Mei: (napangiti) May baon rin naman ako eh. Cge na, bibili na ako.

Kyu: Hinay-hinay sa paglalakad ha, baka madapa ka. (pahabol na sabi)

(Natatawang binigyan lang niya ito ng flying kiss si Kyu)


Lee: Kinikilabutan ako sayo pare. (komento ni Lee sa kaibigan)


Habang  magkasamang naglalakad sina Mei at Mikki, napansin ni Mei ang pananahimik ni Mikki.

Mei: Mikki? May problema ka ba?

Mikki: H-ha? Ah w-wala!

Mei: Mikki kilala kita. Ano ba kasi yun? Ishare mo naman sa kin. Diba friends tayo?

Mikki: (napabuntong-hininga) Oo naman Mei.. Iniisip ko lang si Akira..

Mei: Si akira? Oh nga pala, di ko yata siya nakita kaninang umaga.

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon