[ Lumipas ang ilang buwan.. After a few months! :DD ]
( Sa Basketball Gym )
Kyu: Akira , di ka pa ba uuwi? Magdidilim na pare. (sabi nito ng puntahan siya sa loob habang panay ang shoot niya ng bola )
Akira: Mamaya. (tipid na sagot niya)
Kyu: Mukhang mahusay ka na yata magshoot ng bola ah.
Akira: Sa tingin mo?
Kyu: Oo. (sabay akbay sa kanya) Eh kung mag basketball player ka nalang kaya.
Akira: Kauumpisa ko nga lang maglaro . Atsaka ayoko.
Kyu: Di ka na yata pumupunta sa computer shop?
Akira: Wag na, kung mag-iisa lang naman ako pupunta doon.
Kyu: (napakamot sa ulo) Pare..--
Akira: Oo alam ko. Di mo na kailangan magpaliwanag.
Kyu: 'Nga pala , si Mikki?
Akira: Ano naman ang tungkol sa kanya?
Kyu: Wala ka man lang bang gagawin para magkabalikan kayo?
(agad namang natahimik si Akira ng maalala ang nangyari sa kanila ni Mikki.)
Kyu: Mga ilang buwan na rin ang lumipas , sigurado akong di na galit yun sayo.
Akira: Nandyan naman si Ren para sa kanya, kaya ano pa ang silbi ko.
Kyu: Pare.. selos lang yan.
Akira: malapit sila sa isa't - isa.
Kyu: Pero di pa naman sila, kaya may pag-asa ka pa.
Akira: Wag na.. (at nagpatuloy sa paglalaro)
Kyu: Akira, takot ka lang eh. Yang ang nakikita ko sayo.
Akira: Ba't naman ako matatakot??
Kyu: Ako nga dapat ang magtanong sayo nyan . Kung bakit ka takot na maagaw si Mikki kay Ren eh, kaw naman mahal nun! Ang dapat mo lang gawin ay kausapin siya at ligawan ulit siya.
( pabalik-balik iyun sa isipan ni Akira ang mga sinabi ni Kyu ng makauwi na siya sa apartment. Nakahiga siya ngayon habang nakatitig sa kisame.)
Akira: (napabuntong-hininga) Madaling sabihin, mahirap gawin.
(Hindi niya alam kung bakit nawala ang lakas ng loob niyang ligawan ulit ito gayong nagawa naman niya ito noon na walang kahirap-hirap sa tuwing nagtatama kasi ang paningin nila, agad siyang kinakabahan. Di naman siya ganito dati kaya naguguluhan siya kung bakit.)
[ Kinabukasan.. ] (Break time sa canteen )
(Kasama niya si Lee na bumili ng pagkain habang panay naman ang kwento nito tungkol sa kanila ni Lyka. )
Lee: Hindi ko alam pare, pero ang sarap talaga niyang asarin. hahaha! sa pagkakataong ito ako lagi yung panalo.
Akira: Gusto mo si Lyka?
Lee: Gusto?? Bakit mo naman nasabi yan?
Akira: Para ka kasing si Kyu. Sa tuwing kasama ko siya , wala na siyang ibang bukang-bibig kundi tungkol sa kanila ni Mei tapos ikaw---
Lee: Whoa! Pare kung maging gf ko si Lyka, tapos na ang maliligayang araw ko.
Akira: Eh masaya ka naman kung kasama mo siya.
Lee: Te-teka! Ba't ganyan ka magsalita mhmm~ (pagkuwa'y napatitig kay Akira)
Akira: Bakit?
Lee: Pare, may nagbago sayo eh. Medyo .. seryoso ka na ng konti.
BINABASA MO ANG
MY CUTE BOYFRIEND (Completed)
عاطفيةA funny love story --- sa tatlong magkakaibigan na sina Akira, Kyu at Lee na walang ibang inaatupag kundi ang paglalaro ng computer at iba pa. Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan nila ang sarili na nagkakagusto sa isa sa mga kaklase nila. :))