MCB - Chapter 12

234 7 0
                                    

Sa School.


Lyka: Mei ! May good news ako sayo! (excited na sabi)

Mei: Talaga? Ano yun?

Lyka: Diba ipinalabas na yung inaabangan natin sa sine?

Mei: Yup.

Lyka: Makakapanood na tayo Mei! Kahapon kasi nanalo ako ng dalawang ticket! Ang swerte ko talaga!! (sabay labas ng dalawang ticket galing sa bulsa)

Mei: Eh Lyka...

Lyka: Oh? Di ka yata masaya? Minsan nga lang ako sinuswerte.

Mei: Eh.. bumili na kasi ng dalawang ticket si Kyu eh. At manonood kami ngayong hapon.

Lyka: Ano??

Mei: Oo.. alam kasi niyang gustong-gusto ko ang palabas na yun kaya, bumili sya.

Lyka: Lintik na Kyu yun.!

Mei: Pasensya na talaga Lyka... Ah alam ko na, sumama ka nalang samin.

Lyka: Sasama ako sa inyo? Eh siguradong ma-out of place lang ako sa inyong dalawa.

Mei: Hindi noh. Kasi, yang isang ticket mo , ibibigay natin kay Lee. O diba, double date tayo.

Lyka: A-anong double date?! Ok ka lang?? Wag na lang kung sasama yang Lee na yan!

Mei: Napaka KJ mo naman Lyka. Aanhin mo yang isang ticket? Sayang naman kung itatapon mo.

Lyka: At sinong maysabi na itatapon ko ito? Ibibiga--------

(Napatigil si Lyka sa pagsasalita ng may biglang umagaw sa isang ticket na hawak-hawak niya. Paglingon niya ay si Lee pala iyun.)

Lee: Wew! Anong ticket 'to?

Mei: Ah Lee! Mabuti't nandito ka. Para sayo yang isang ticket . (nakangising sabi)

Lyka: A-anong! Hoy Lee, ibigay mo sa akin yan! Akin yan! (pilit inaagaw ang ticket kay Lee)

Lee: Napakaselfish mo naman, dalawa na nga yang ticket mo tapos ayaw mo pa ibigay sakin ang isa.

Lyka: Wala kang pakialam dahil hindi yan sayo!

Mei: Teka Teka Teka! (agad na itinulak ni Mei si Lee papalayo kay Lyka) Sige na, sayo na yan. Mamayang hapon yan okay? (pagkatapos hinarap si Lyka na ngayo'y galit na nakatingin sa kanya.) Hehehe! Peace! (sabay sign of peace)

Lyka: Mei naman eh.. (napa-upo)

Mei: Ano ba ang ayaw mo kay Lee at ayaw mo siyang makasama ha?

Lyka: Nakakainis kasi yung lalaking yun eh.

Mei: The more u hate, The more u Love!

Lyka: Che! Love ka dyan, alam mo bang lumaki na ang ulo nu'n?? Iniisip niya na may gusto ako sa kanya! Ang kapal talaga!

Mei: Eh baka naman may nagawa ka kaya niya iniisip yun.

Agad namang natahimik si Lyka ng maalala niya ang nangyari noon sa rooftop.

Mei: Nakuuu! May ginawa ka nga! Tingnan mo oh, nagbublush!

Lyka: Wa-wala ha! Wala akong ginawa! Siya nga 'tong bigla-bigla akong hinahalikan.

Mei: Yay ang sweet! May pa-stolen kiss pa kayo xD

Lyka: Ay ewan ko sayo. (sabay buklat ng libro at nagkukunwaring may binabasa.)

Mei: Oooy in love yung kaibigan kooo!


[ Sa Apartment ]

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon