"Room 203."
Iniabot ng isang nurse ang key card sa akin. Tinanguan ko lamang siya at naglakad patungo sa room 203.
Matapos ang isang taon, ito ang unang beses na makikita ko siya.
Malakas ang tibok ng aking puso, habang tinatahak ang kanyang silid.
'Restricted'
Basa ko sa nakasulat sa plaka sa kanyang pintuan. Unti-unti ko itong binuksan, tumambad sa akin ang isang lalaking nakatingin sa kawalan.
Maitim ang ilalim ng mata, maputla at mapayat. Pakiramdam ko ay pinupunit ang aking puso habang tinititigan siya. Dumako ang kanyang mata sa akin, walang mababakas na emosyon kundi sakit at lungkot.
"N-nasaan ang kapatid ko?" Tanong nito.
Pumatak ang luha sa mga mata nito.
"N-nasaan si Loki?" Tanong nitong muli.
"H-he's dead."
Namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto. Umiling iling siya na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Sinungaling ka. Sinungaling kayo!" Sigaw nito.
Isang taon matapos ang pangyayaring iyon, ito ang unang beses na dinalaw ko siya. Dinala siya sa isang mental hospital, hindi niya kinaya ang pagkawala ni Loki at madalas siyang tulala at nagiging bayolente.
"That's the truth." Sagot ko.
Tanging palahaw lang nito ang narinig ko sa buong kwarto. Unti-unti na rin pumatak ang aking luha, halo halo ang emosyon ko habang tinitignan ko siya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa gitna ng pag-iyak.
Huminga ako ng malalim at bahagyang lumapit.
"Nandito ako para mag paalam. Alam kong hindi naging maganda ang pagtatapos ng lahat sa atin, pero gusto kong malaman mo na hindi ko makakalimutan lahat ng pinagsamahan natin. Gusto ko humingi ng tawad sa pagkamatay ni Loki." Tumingin ito sa akin, puno ng lungkot ang mata nito.
"Kasalanan ko lahat." Pinunasan nito ang kanyang luha at tumayo. "Kasalanan ko lahat ito. S-sana mapatawad mo ako."
Hindi ako nakasagot sa kanya.
Mapapatawad ko nga ba siya sa pagkamatay ni Chase? Sa pagkamatay ni Loki? Sa lahat ng buhay na nawala dahil sa kanyang kasakiman?
Hindi ko rin mahanap ang sagot sa sarili kong tanong. Napakahirap magpatawad, ngunit alam kong balang araw, hindi man sa ngayon, ay matatanggap ko rin ang lahat.
Pilit akong ngumiti sa kanya at pinunasan ang aking luha.
"Magpagaling ka." Ayun lamang ang naisagot ko bago ako tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.
Lumabas ako sa hospital at naabutan ang isang lalaking nakasandal sa kanyang kotse na tila bored kakahintay.
Nagtagpo ang aming mata at isang ngiti ang agad na gumihit sa kanyang mga labi. Sinalubong niya ako at niyakap.
"I missed you." He whispered.
I just smiled and hugged him back.
"Isang araw pa lang na hindi tayo nagkikita." Paalala ko sa kanya. Isang mahinang tawa lamang ang isinagot niya at hinatak ako papunta sa kanyang kotse at pinaalis ito sa ospital.
Huminga ako ng malalim habang nakatanaw sa Mental Hospital kung nasaan naka-admit si Thor.
I hope everything goes well with him.
Alas singko na pala ng hapon at hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi nagsasalita si Nightmare na busy sa kanyang pagmamaneho.
Huminto kami sa tapat ng isang mataas na itim na gate.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
ActionAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...