Scarlett ~
"Gusto naming ibigay mo sa amin ang kwintas!" Sigaw ni Teo, ang leader ng Corps Gang.
Ilang beses na rin namin naka-transaksyon ang mga ito, pero madalas ay nakakabangga namin sila dahil mas magaling kaming magnakaw kesa sa grupo ng pulpol na ito. Pati ba sila ay naghahabol sa kwintas? Sana all hinahabol.
"Bakit ko ibibigay sayo? Matapos mong saktan ang mga kaibigan ko?" Sagot ko rito. Humalakhak ito ng napakalakas at humawak pa sa tyan nyang malaki.
"Sasagutin namin ang gastusin sa ospital. Ibigay mo nalang sa amin ang kwintas." Natatawang saad nito. Imbes na matuwa ako sa offer nito mas lalo lamang na gusto kong bangasin ang pagmumukha nito.
"Ah, ito ba hinahanap mo?" Nilabas ko ang isang kwintas na nakatago sa loob ng damit ko. Nanlaki ang mata nito at napatayo, napangisi ako.
Sa totoo lang, replica lang ito nung kwintas na pinag-aagawan nila. Fake ito at nakuha ko ito mula sa box na ninakaw ko dati na may lamang limpak limpak na pera. Sa una hindi mo masasabi na peke ito, pero mas maliit ang pendant nito, at hindi ganoon kakislap, mukhang mumurahin ang ginamit na materyal, parang yung tagsasampo lang na nabibili sa palengke, yung kumukupas ang kulay. Naisip ko na kunin iyon para souvenir dahil gusto ko talaga ang design, parang bagay na bagay sa akin.
"Hulog ka talaga ng langit Scarle---" Bago niya pa mahawakan ang kwintas ay muli ko iyong ibinalik sa loob. Ako naman ang ngumisi at halata ang pagkainis sa mukha nito.
"Sana naman ay nagtanong ka muna bago mo sinaktan ang kaibigan ko." Sabi ko.
"Babayaran kita pati ang bill sa ospital. Let's have a deal." Sagot nito na akala mo ay bata lamang ang kausap niya.
"Too late." Bago pa ito makasagot at sinugod ko na siya.
Sinipa ko ang panga niya kaya't sunod sunod na nagsisuguran ang mga tauhan nito sa akin. Hindi ko akalain na balang araw ay magagamit ko ang itinuro sa akin nung bata ako. Hindi ako nagpapasalamat, para sa akin ay isa itong sumpa. Ito ang unang beses na gagamitin ko ang fighting skills ko, at ang huling paggagamitan ko nito ay nakalista na sa death list ko. Ang pumatay sa magulang ko.
Maraming sumugod sa akin ngunit mabilis ko silang naiiwasan at nagagantihan ng atake. Dahil ito ang unang beses ko na makipaglaban sa ganito kadami ay hindi maiiwasan na masaktan ako, at hanggat maaari ay hindi ako gagamit ng kung anong makakapatay sa kanila. Gusto ko lang silang bugbugin para matuto sila.
Sinipa ko sa tyan ang isang papalapit sa akin, napaatras naman ito kaya't susunod kong sinipa ang isa pa na susugod mula sa likod ko. Hinatak ko ang isa galing sa kaliwa ko at tinuhod ang sikmura niya, sa sobrang lakas ng mga atake ko ay nawalan sila ng malay.
"KUNIN NIYO ANG KWINTAS!" Sigaw ni Teo kaya't mas lalong naging aktibo ang mga tauhan nito. Sinabayan ko ang mga bilis nila ngunit sadyang marami sila at alam kong dehado na ako.
"Fuck you!" Sigaw ko pabalik rito. Sa sobrang dami kong nasuntok ay pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko, nailabas ko na lahat ng galit ko kaya't nakangisi akong nakikipaglaban sa kanila.
"Ow, too slow." Pang-aasar ko sa isang sumugod sa akin at mabilis na sinapak ang mukha nito, tulog naman ito agad dahil sa ginawa ko.
Naririnig ko ang sunod sunod na pagsigaw nito Teo sa mga tauhan nito kaya't agad akong tumakbo papunta sa kanya na kinabigla naman niya.
"Ingay. Matulog ka muna." Bago pa siya makasagot ay mabilis kong hinampas ang leeg nito at sinipa ang tyan niya.
Ramdam ko ang biglang pagdagsa ng mga tauhan nito palapit sa akin, bago pa ako makapag-handa ay naramdaman ko na ang isang malamig na bagay sa tagiliran ko. Sinipa ko ang may gawa nun.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
ActionAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...