Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako."Take care of the necklace. Don't let anyone take it away from you. Its all yours." Inalis ko ang maskara na nakatakip sa bibig ko at ang sumbrero ko.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Ngumiti ito at yumuko.
"Katulad nila ay napakaganda mo din." Nakangiting saad niya.
"Nila? Sinong nila?" Tanong kong muli. Umiling siya at yumuko.
"Kapag dumating ang oras na sa tingin mo ay may dapat kang malaman, kapag dumating ang oras na gusto mo ng kasagutan, bumalik ka sa akin, lagi kaming naghihintay sa pagbabalik mo." Hindi ako nakasagot, tumitig lang ako rito. Minumulto ba ako? Tao ba talaga ang kausap ko?
"A-aalis na ako." Sinumulan ko ng umatras ngunit may pinulot ito na isang bag sa paanan niya at naglakad palapit sa akin. Shit? Baka bomba yun! Humakbang ako palayo pero naabutan niya ako at nakatayo na siya sa harap ko.
"Take it and leave." Kinuha niya ang kamay ko at inilapag ang bag doon. Muntik pa iyon mahulog sa kamay ko dahil sa bigat nun.
"That's 750 thousand, I know you need it." Napatingin ako sa bag, paano niya nalaman? Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"S-salamat p-pero, paano mo--"
"Sa pagbabalik mo ay sasabihin ko ang lahat."
-----
Naibayad ko na sa ospital ang 750 thousand at sinimulan na rin ang operasyon nila Thor at Loki. Sinong mag-aakalang ganun kadali lang ako makakalikom ng ganun kalaking pera.
Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ng matanda na iyon. Kilala niya ako. Alam niyang ako ang kumuha ng kwintas. Ang sakit sa ulo! Sa ngayon ay isasantabi ko muna ang sinabi niya, marami pa akong problema.
Naisipan ko munang umuwi sa bahay dahil kukuha ako ng gamit nila Thor at Loki. Dahil tapos na rin ang operasyon at hinihintay na lamang silang gumising.
Habang naglalakad ako sa eskinita patungo sa bahay namin ay natanaw ko ang isang lalaking naka-jacket sa tapat ng bahay namin. Mukha itong aligaga, pabalik balik sa paglalakad. Naglakad ako palapit sa kanya.
"Sino ka?" Tanong ko ng makalapit ako. Mukhang nagulat naman siya at agad na humarap sa akin. Hindi pamilyar ang mukha niya.
"Scarlett Aphrodite?" Mas lalong napakunot ang noo ko. Kilala niya ako? Bakit ang daming nakakakilala sakin? Peymus na ba ako?
"Ako nga. Bakit?" Inalis nito ang hood ng jacket sa ulo niya at inabot ang kanyang kamay sa akin.
"Jarvis Delgado." Pagpapakilala niya. Inabot ko naman ang kamay niya ngunit nakakunot pa rin ang noo ko.
"Delgado? Kaano ano mo si Mr. Delgado?" Nagtatakang tanong ko.
"He's my father." Nanlaki ang mata ko mabilis na binawi ang kamay ko.
"Anong kailangan mo? Mag-usap tayo sa loob." Aya ko sa kanya ngunit inilibot niya ang paningin niya sa paligid, namumutla ito at tila kabadong kabado. Sa palagay ko ay minor pa lamang siya. Hinawakan ko balikat niya, nanginginig ang kamay niya.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"May kailangan akong sabihin, tungkol sa kwintas. Yung kwintas---"
"SHIT!" Sabay kaming napayuko ng makarinig kami ng malakas na putok ng baril at nabasag ang salamin sa tabi namin. Hinatak ko ang kamay niya at mabilis na tumakbo paalis ng lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
AcciónAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...