CHAPTER 10: Leaving On His Birthday

384 12 6
                                    


Isang linggo makalipas ang gabi na iyon ay hindi kami muling nagkita. Lagi siyang tumatawag pero pinapatayan ko, minsan pumupunta pa siya rito sa bahay pero sinasabi ko kay Vaughn na sabihin na wala ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Natatakot ako sa posibilidad na mas lalong mahulog ang loob ko sa kanya, natatakot ako lalo na't nasa akin na ang kwintas, anong mangyayari pag nakuha na niya ang gusto niya? Dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito, hindi ako naghirap ng mahabang panahon para lang mabaliw sa isang lalaki! Damn it!

Pero kailangan ko rin ng pera. Pera para makita ang taong pumatay sa mga magulang ko. Plano kong gamitin ang pera na iyon upang kumuha ng pinakamagaling na detective para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko, hindi ako papayag na lumabas na namatay sila sa car accident dahil alam ko at nakita ko ang totoo.

At yung kiss. Anong ibig sabihin nun? May gusto rin ba siya sa akin tulad ng pagkakagusto ko sa kanya? Shit! Ako ba talaga to?

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, nakakagutom pala ang maistress. Alas otso palang ng umaga, marahil ay tulog pa si Vaughn, wala raw siyang pasok ngayon. Kumuha ako ng gatas at biskwit ngunit narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Kumunot ang noo ko, si Vaughn ba yun? Pero alam ko natutulog pa siya eh. Tumayo ako at naglakad patungo sa sala at literal na nabitawan ko ang hawak kong baso sa nakita ko.

Nabigla kaming dalawa, natigilan ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Lahat ng takot, galit at pagkamuhi ay bigla na lamang dumaloy sa sistema ko.

"Aphrodite?" Gulat na tanong ng isang babae, nasa 40s ang edad niya, gaya ng dati ay mataray pa rin ang mukha niya, at ang boses niya ay magbibigay ng takot sa sistema mo.

"T-tita Amanda."

"Aphrodite what's that?" Sabay sabay kaming napatingin sa taong kabababa lang ng hagdan, si Vaughn, mukhang bagong gising at nabigla siya ng makita kung sino ang nasa harap ko.

"Mom." Gulat na saad niya at agad siyang lumapit sa kinatatayuan ko, humarang siya sa harap ko na tila pinoprotektahan ako mula sa ina niya.

"So Vaughn, kailan pa kayo magkasama?" Tanong ni Tita Amanda. Hindi ko malaman kung anong klaseng emosyon ang meron siya, dahil magaling siyang magtago nun.

"Mom what are you doing here?" Tanong ni Vaughn upang ilihis ang atensyon ni Tita Amanda.

"I'm asking you Vaughn, kailan pa?!" Napapitlag ako sa biglang pagsigaw niya. Kagaya ng dati ay nanginginig pa rin ang kalamnan ko kada sisigaw siya, hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng takot ang puso ko.

Huminga ng malalim si Vaughn at humarap sa akin.

"I'll talk to her. Go to your room." Umiling ako. Hindi na ako bata, at ayokong tinuturing akong bata at mahina.

Umalis ako harap nila at lumabas ng bahay. Now, hindi ko maatim na tumayo sa bahay kasama ang ina niya na nagpahirap sa buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Sobrang sakit ng puso ko, lalo pa't mag kamukha si Tita Amanda at ang mommy ko. Hindi ko kayang makita ang mukha ni Tita Amanda, nasasaktan lang ako lalo.

---

Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipan na magpunta. Pabalik balik ako sa kinatatayuan ko habang kagat ang kuko ko. Bakit ba ako nagpunta rito? Para magmukhang tanga? Leche ka talaga Scarlett!

Napapitlag ako sa kinatatayuan ko ng bigla kong makita si Nightmare na palabas ng building ng unit niya.

"Shit shit shit!" Mabilis akong tumakbo at nagtago sa pinakamalapit na sasakyan.

My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon