CHAPTER 16: The Cepheus

383 10 6
                                    

Ngayon ay nandito kami sa meeting room upang pag usapan ang magiging unang hakbang ng Donovan Assasins, tambak rin ang mga folder at papel sa lamesa.

"So Aphrodite, these files just need your signature para masimulan na natin ang unang misyon ng Donovan Assasins." Saad ni Pierce habang tinuturo ang limpak limpak na papeles sa lamesa. Tumango lamang ako kahit sa loob loob ko ay gusto ko nalang itapon lahat iyon sa basura. Tangina imagine babasahin ko yun lahat? Ni hindi nga ako makatapos magbasa ng isang pahina ng novel book! Ganun ako katamad!

"And please do note that our very first mission would be crucial to prove our power to the underground." Dagdag ni Sif. Napainom ako ng tubig sa sinabi niya, ramdam ko yung pressure bes.

"C'mon, don't push her too hard. It's okay to commit mistakes." Natatawang saad ni Archer. Lahat kami ay napatingin sa kanya, looking at his attitude, mukhang isa siyang happy-go-lucky type ng lalaki.

"It's not okay to commit mistakes." Matalim at tila puno ng babala na saad ni Sif. Nagtitigan silang dalawa, tila nagsukatan ng tingin. Archer was just smirking at her, habang matalim ang pinupukol na tingin sa kanya ni Sif.

"Why not?" Tila mapanghamong tanong ni Archer.

"We're supposed to be the best among the rest Archer, Donovan Assasins has no room for mistakes." Napuno ng katahamikan sa loob ng meeting room dahil sa sinabi ni Sif.

Una palang naman alam ko na kung anong papasukin ko at anong pinasok ko, but I never knew na ganito sila kadesidido na protektahan ang pangalan ng Donovan. Masaya ako na ganun ang prinsipyo nila pero anong mangyayari kung sakaling magkamali ako?

"Cut the bullshit nonsense childish debates. Leave it to Aphrodite." Pagbasag ni Pierce sa katahimikan. Hindi ko alam kung mapepressure ako o masaya ako dahil pinutol niya ang awkward na atmosphere.

"Yeah, don't worry, I'm going to handle everything perfectly." Malamig at walang emosyong sagot ko.

~~

Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang mga papel sa lamesa, parang ayokong mahawakan maski isang pahina nun, parang malulusaw ako. Leche!

Sumandal ako sa upuan ko at pumikit ngunit narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya't agad ko itong kinuha.

Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng makita ko kung kaninong numero nakarehistro ang tumatawag. Damn?

Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag na iyon. Akmang pipindutin ko ang answer button ng bigla na lamang iyon mawala. Shit!

Malaki ang binayad ko sa network ng sim card ko para lamang hindi ito mag-expire kahit hindi naloloadan. Pero sa loob ng tatlong taon ay ito ang unang pagkakataon ng tumawag siya. Literal na nagpapalpitate ang puso ko, hindi ko alam ang gagawin ko, inilapag ko ang cellphone at uminom ng tubig. Mamamatay na ata ako sa sobrang kaba at nerbyos.

"Aphrodite." Naibuga ko ang iniinom kong tubig at natumba ito sa kamay ko ng biglang may pumasok na tao mula sa pinto.

Mabilis ko naman iyon itinayo mabuti na lamang ay hindi nabasa ang mga folder. Natataranta akong inayos ang sarili ko at tumingin sa taong pumasok.

"A-ano kailangan mo?" Tanong ko habang pinipilit pakalmahin ang sarili.

"Are you alright? You look pale." Hinawakan ko ang pisngi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"I.. I'm okay. What do you need?" Lumapit siya sa akin at tinitigan ako.

"Nothing. Pauwi ka na ba? I'll take you home." Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi pa naman kami ganun ka-close at hindi ko inaasahan na babalik siya para sabihin iyon.

My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon