CHAPTER 11: Meeting Her Nightmares

335 10 0
                                    


Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak at parang minamartilyo ng paulit ulit.

Tubig. Kailangan ko ng tubig na nagyeyelo.

Umupo ako at inilibot ang paningin, shit, nasaan ako?! Sa unit ni Nightmare?! Anong ginagawa ko rito?!

"Goodmorning." Napatingin ako sa kusina, nakita ko si Nightmare na nagluluto habang walang suot pang-itaas. Shit kagutom.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Ano bang ginagawa ko rito? Ganun ba ako kalasing kagabi at dito ako pumunta? Hindi ko pinahalata ang awkwardness na nararamdaman ko at dire-diretsong naglakad papunta sa ref at uminom ng malamig na tubig.

Naghahanda na siya ng pagkain sa lamesa. Saglit akong napatingin sa mukha niya, hindi manlang siya ngumingiti? Anyari dito?

Naglapag siya ng sopas sa harap ko at umupo na rin siya sa upuan. Walang nagsasalita ni isa sa amin, hindi rin siya tumitingin sa akin, at parang galit siya. May nangyari ba kagabi na hindi ko matandaan?

"Huy ayos ka lang ba?" Hindi mapigilang tanong ko. Bigla siyang tumingin sa akin, walang emosyon ang mga mata niya.

"Yeah. You can leave after we pay you." Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? Pay me? Bakit naman nila ako babayaran? Nasa kanya na ba ang----shit! Napatakip ako sa bibig ko at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya.

"B-binigay ko na ba?" Mahina ang boses ko, at inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya.

"Can't remember anything from last night?" Saglit akong natahimik, at napakagat sa labi ko. Ano dapat kong sabihin? Bakit ba naman kasi ako nagpakalasing ng sobra?! Bigla siyang ngumiti ng malapad ng masigurong wala akong naalala kagabi.

"Yep, you gave me the necklace as a gift." Naalala ko, birthday nga pala niya kahapon. At paano ko nalaman na birthday niya? Syempre sa family date nila kahapon. At bigla nanaman pumasok sa utak ko ang nakita at narinig ko. Bigla akong napalayo sa kanya. Since naibigay ko na ang kwintas, wala na siyang kailangan sa akin. Sa pera na ibabayad niya, pwede ko ng hanapin ang pumatay sa magulang ko, at magtravel around the world, palayo sa kanya, palayo sa taong gumugulo sa utak ko.

---

Matapos namin mag-almusal ay nag-ayos na ako dahil pupuntahan daw namin ang boss niya. Siya raw magbabayad sa akin.

Sabay kaming sumakay ng kotse, at hindi tulad kanina ay bumalik na siya sa dati niyang sigla.

"Anong klaseng boss ba yan?" Tanong ko habang nasa sasakyan kami.

"A mafia boss." Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Mabilis akong napahawak sa pintuan ng kotse niya. Shit, hindi pa ako handa na makasalamuha ng mga ganung klase ng tao.

"Don't worry, he's kind." Mahina siyang natawa, marahil alam niyang kinabahan ako sa sinabi niya.

"Hindi siya magiging mafia boss kung mabait siya." Kinakabahang sagot ko. Tumawa lang ito.

"Well, mabait siya sa mga mabait sa kanya." Natatawa pa rin siya na parang isang katuwaan lang ang nararamdaman kong takot.

"Don't worry, I'm here." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. May magic spell ata siya dahil kusa na lamang kumalma ang puso ko, pero mas lalo pa itong bumilis dahil sa pagdidikit ng balat namin. Agad kong binawi ang kamay ko.

Ilang minuto pa ay tumigil na ang sasakyan sa isang magarang building. Napakataas nito, at may nakasulat sa taas na 'Serpent'.

Sabay naming tinahak ang building papasok, hindi ako lumalayo kay Nightmare. Oo, matapang ako pero ibang usapan kapag mafia na ang kalaban. Sumakay kami sa isang elevator patungo sa pinakamataas na parte ng building. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon