"Ate Scaaaaar!!" Naramdaman ko ang marahas na pag-alog sa katawan ko ng isang nakakairitang nilalang.Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at bumalik sa pagkakatulog. Ngunit ilang saglit pa ay sinampal sampal nito ang braso ko.
Inis akong tumayo at sinamaan ng tingin ang makulit na nilalang na ito.
"Alam mo ba na gabi gabi akong puyat dahil sa binabangungot ako? Alam mo rin ba na ayaw kong ginigising ako sa umaga? Alam mo ba na---"
"Oo alam ko na lahat yan!" Pambabara nito sa akin.
"Eh alam mo naman pala eh bakit---"
"May lalaking naghihintay sayo sa labas! Nakakotse! Syota mo ba yon?!" Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakbo ang bintana at sumilip. At totoo nga, may lalaking naghihintay sa akin doon! Nakasandal ito sa kanyang kotse habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Napatingin ako sa oras at halos mapamura sa nakita ko.
"Tangina!" Sigaw ko at agad na tumakbo pabalik sa kwarto at kumuha ng damit at twalya. Pumasok ako sa banyo at naligo ng napakabilis.
"Ano bang nangyayari ate? Sino ba un?" Tanong ni Loki pagkalabas ko sa banyo. Hindi ko na ito pinansin at agad na nagsuot ng sapatos at sinuklay ang buhok ko.
"Alis na ako!" Paalam ko kay Loki at agad na tumakbo palabas ng bahay.
Pagkalapit ko sa lalaking kumidnap sa akin kagabi ay nakakunot ang noo nito at masama ang tingin sa akin. Nginitian ko lang siya ng malawak.
"You're 1 hour late." Sabi nito habang nakatingin sa kanyang halatang mamahaling relo.
"Sorry hehe." Umirap lang ito at pumasok na sa kotse niya. Sumakay naman ako passenger seat at napasipol habang ginagala ang paningin ko sa loob.
"So saan tayo?" Tanong ko.
"Take me to the place where you sold that necklace." Napatango ako at tinuro ang direksyon sa kanya papunta sa restaurant ni Mr. Delgado.
Dito namin dinala ang kwintas at sa pagkakaalam ko at lagi siyang nandito. Ilang minuto pa ay pumarada na ang sasakyan niya sa tapat ng restaurant. Sabay kaming lumabas ng kotse at naglakad patungo sa pintuan ng restaurant.
Napakunot ang noo ko ng makitang sarado ang restaurant, walang customer o empleyado pero bukas ang pintuan. Pinasok namin ang loob at napasinghap ako ng makitang basag basag at kalat kalat ang mga gamit rito, parang dinaanan ng isang delubyo. Nagkatinginan kami ng kasama ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.
"Mr. Delgado?" Tawag ko rito habang naglalakad patungo sa kanyang opisina.
Pipihitin ko na sana ang pintuan ng may humawak sa kamay ko.
"Let me." Binitawan ko ang pintuan at siya ang nagbukas nun.
Napako ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos at halos manlamig ang buong katawan ko.
"What the." Hindi makapaniwalang saad ko.
Nanghihina ang tuhod ko, hindi ito ang unang beses na makakita ako nito pero pakiramdam ko ay hinihigop nito ang buong lakas ko. Pakiramdam ko ay binabalik ako nito sa nakaraan na nais kong takasan, pakiramdam ko ay binalik ako nito sa bangungot na ayaw ko ng ulit maranasan. Si Mr. Delgado, nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.
"Shit." Rinig kong bulong ng kasama ko. Bigla siyang tumakbo patungo sa isang vault na ngayon ay nakabukas na, at nakita namin ang itim na kahon na wala ng laman. May nagnakaw ng kwintas at pinatay si Mr. Delgado.
Bago pa ako makapag-react ay isang malakas na kamay ang humatak sa akin at bigla na lamang akong nakarinig ng isang malakas na pagkabasag. Napapikit ako at napakapit sa braso niya, hawak niya ang bewang ko habang nakaupo kami sa sahig.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
ActionAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...