CHAPTER 1: HER

1K 13 1
                                    

. Napabalikwas ako sa pagkakahiga, habol hininga akong naupo at inilibot ang aking mata. Pawis ang buong katawan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko, napahawak ako sa aking pisngi at dama ang masaganang pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata.

Nightmares.

Sa loob ng halos labing limang taon ay walang araw na hindi ako inatake ng masamang panaginip at alaala. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang isang kumot na napakaliit, kulang na kulang pa upang takpan ang buong katawan ko. Marahas kong pinunasan ang mukha ko at tumayo sa kama.

"Loki! Thor!" Sigaw ko at isinantabi ang masamang pakiramdam at alaala na nagpapasama ng araw ko. Wala namang bago, bakit hindi pa ako nasanay?

Matapos ang ilang minuto ay pumasok sa aking kwatro si Loki, hinawi nito ang kurtina na siyang nagsisilbing pintuan ng kwarto ko. Pupungas pungas ito at humihikab pa.

"Ano?!" Inis na sigaw nito. Literal na nanlaki ang mata ko sa biglaang pagsigaw nito.

"Aba't! Sinisigawan mo ba ako?!" Binato ko siya ng lata beer at agad naman siyang tinamaan sa ulo. Napatuwid ang tayo nito at ngumiti ng pagkalawak lawak.

"Ang ibig kong sabihin, ano yun boss?" Magalang na tanong nito.

"Anong almusal?" Tanong ko rito at tinulak siya palabas ng kwarto. Sabay kaming naglakad patungo sa napakaliit na sala ng aming bahay.

"Si Thor hindi pa rin umuuwi mula kagabi. Wala tayong almusal." sabi nito at muling humiga sa nakalatag na higaan niya sa sala.

Napakamot ako sa batok at naglakad patungo sa kusina. Wala. Maski asin wala.

"Tanginang buhay to." Bulong ko sa sarili.

"Tara na at rumaket." Aya ni Loki sa akin na ngayon ay nakabihis na pala.

Simple lamang ang ayos nito, simpleng tambay. Naka-tshirt na maluwag at isang maong na shorts na hanggang tuhod. Naghilamos lang ito at nagsipilyo, ready to go na siyang rumaket.

Napabuntong hininga na lamang ako at muling pumasok sa kwarto. Mabilis akong naligo dahil sayang ang tubig kung magbababad pa ako, mahal na ng bill ng tubig ngayon day! Nagsuot ako ng isang kumportableng jogging pants at saktong luwag ng tshirt. Nagsuot ako ng itim na sumbrero at itinali ang buhok ko kahit basa pa ito.

Lumabas ako sa munti naming barong barong at nakita si Loki na ngayon ay naghihintay sa akin sa labas.

---

"Sa kaliwa, dalawang babae." Bulong ko sa microphone ng earphone ko.

"Sampong hakbang." Rinig kong sabi ni Loki mula sa kabilang linya.

Nagsimula na akong maglakad patungong kaliwa, at kunwari ay nagtitipa ng mensahe sa aking cellphone habang nakasuot ng headset.

"OUCH! Can you please look at your way?!"
iniangat ko ang paningin ko at agad na tinulungan ang babae sa mga nahulog nitong gamit.

"Pasensya na." Bahagya pa akong yumuko at tumalikod naman ito. Humakbang ako ng sampung beses at ng makita si Loki na nakasandal sa isang pader habang nakatingin sa kanyang cellphone at agad kong ibinigay sa kanya ng palihim ang isang wallet.

Umalis ito ng parang walang nangyari, hahakbang na sana ako paalis ng makarinig ako ng isang malakas na sigaw mula sa aking likuran.

"OMG! CATCH THAT GIRL! MAGNANAKAW! SNATCHER!!" Mabilis akong napatingin sa babaeng tumili na ngayon ay tumatakbo papunta sa akin.

Napanganga ako at napataas ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko.

"Miss, ano bang sinasabi mo?" Inosenteng tanong ko rito.

My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon