Minsan ay nagsisisi ako kung bakit ako pinanganak na bida bida. Eto tuloy ako ngayon, nakatayo sa harap ng isang napakalaking mansyon.Gaya ng napag-usapan namin ni Ruby ay kailangan kong magnakaw sa mansion na ito. Dahil sa kagustuhan na makatulong kila Thor at Loki ay isinantabi ko muna ang lahat ng sakit at galit na nararanasan ko ngayon.
Nakasuot ako ng usual akyat bahay attire ko, itim na jacket, itim na leggings, itim na boots, itim na facemask at itim na gloves. All black dapat upang humalo sa dilim ang katawan ko.
Inihanda ko na ang sarili ko sa pagpasok sa bahay, nagmasid masid sa paligid kung may ibang makakakita, at ng walang tao sa paligid ay mabilis kong inakyat ang bakuran ng mansyon, napakataas nun pero siyempre expert ata to.
Tumalon ako pababa mula sa mataas na bakod at tinakbo ang likudang bahagi ng mansion. Tahimik, at walang mga tao. Tinahak ko ang back door ng mansion, mabuti na lamang at hindi ito naka-lock kaya't hindi na ako nahirapan na makapasok.
Pagkapasok ko sa back door ay kusina ang bumungad sa akin, madilim, walang nakabukas na ilaw. Weird dahil 11pm pa lamang ng gabi.
Nagsimula na akong maglakad, maingat at magaan ang bawat galaw ko, masusi ko ring tinitignan ang bawat ceiling dahil baka may CCTV rito, kung naka-on ang CCTV ay may kulay pula na ilaw na manggagaling rito. Pero labis na nakapagtataka dahil walang ilaw na pula ang bawat CCTV, naka-off lahat iyon.
Shit ano nanaman ba itong napasok ko? Kahit nakakapagduda ang lahat ay pinilit ko pa rin na makapasok sa bawat kwarto na nandito. Umakyat ako sa 2nd floor, gamit ang dala kong stethoscope ay inilapat ko iyon sa isang pintuan. Prepared ako syempre. Nang walang marinig na bakas ng kahit anong tunog ay nagsimula na akong pumasok.
Sinalubong ako ng isang pamilyar na amoy, otomatikong lumakas ang pintig ng puso ko. Amoy..... Amoy Nightmare. Mahina kong sinampal ang sarili ko, impossible. Marahil ay pareho lang sila ng ginagamit na pabango. Shit alis ka muna sa isip ko kahit ngayon lang. Inihakbang ko ang paa ko pero nadidistract talaga ako sa amoy na iyon, shit talaga. Lumabas ako agad sa kwarto na iyon, di ko kayang tumagal sa loob nun dahil tanging si Nightmare ang pumapasok sa isip ko.
Huminga ako ng malalim bago maglakad muli. Nilibot ko ang buong 2nd floor at isang pintuan ang umagaw sa atensyon ko, isang malaking pintuan. Dahan dahan akong naglakad palapit doon at gaya ng ginawa ko kanina ay itinapat ko ang dala kong stethoscope.
Bahagya akong napaatras ng makarinig ng boses mula sa loob.
"A-anong kailangan niyo?!" Sigaw ng boses mula sa loob, lalaki ito at medyo may katandaan na ang boses.
"Ikaw, at ang buhay mo." Napahawak ako sa bibig ko. Hayup na buhay talaga to, makakakita pa ba ako ng live na patayan ngayon? Kailangan makaalis na ako rito, hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
Halos manginig ang buong katawan ko ng makarinig ako ng mga kalabog at pagkabasag ng mga gamit mula sa loob.
"Shit shit shit!" Bulong ko sa sarili ko. Mabilis kong binaba ang stethoscope na hawak ko at tumalon talon sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko putangina naman zer!
"TULONG!" Rinig kong sigaw ng lalaki mula sa loob.
"Walang makakarinig sayo Tyron Greyson." Naiimagine ko ang nakangisi at masayang boses ng isang lalaki mula sa loob.
Pucha talaga Scarlett kahit kailan talaga bida bida ka! Sinampal ko muna ang sarili ko, at sinuntok ang dibdib kong nag-uumapaw sa kaba bago tuluyang binuksan ang pintuan.
Halos maparalisa ako sa kinatatayuan ko ng bigla silang tumingin sa akin, tatlong nakamaskarang lalaki at ang isang matandang lalaki na nakaupo ngayon sa sahig at may saksak na kutsilyo sa tyan nito.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
ActionAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...