"Anong ginawa mo kay Sif?" Walang ganang tanong ko kay Archer.
Sumipsip muna siya ng chocolate frappe niya at sumandal sa upuan.
"You're cruel." Natatawang sabi niya. Umirap ako at sumubo ng cake na nilibre niya, nandito kami sa starbucks ngayon. Dapat ay sa headquarters kami mag-uusap pero ayoko muna pumunta doon dahil di pa rin ako handa makipag-usap kay Chase.
"She needs to learn, the hard way." Sagot ko naman. Umiling siya at ngumisi. "So ano nga ginawa mo?" Pag uulit ko sa tanong.
"Just a light, but bloody workout. Let's not talk about that, I'm sure she learned her lessons." Sagot niya. "Anyway, bakit mo ko pinatawag?" Tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim at uminom muna ng zagu na binili ko kanina.
"I just need you to complete the mission." Natigilan siya sa sinabi ko, mukhang nagtataka siya na sa dami rami ng pwedeng isama sa misyon ay siya pa.
"Bat ako?" Nagtatakang tanong niya. Inirapan ko siya.
"Ayaw mo ba? Di wag." Akmang tatayo na sana ako pero hinatak niya ako pabalik.
"Sure, deal." Natatawang sabi niya. Itinaas niya hawak niyang chocolate frappe at tinaas ko rin yung Zagu na iniinom at nagcheers kami. No need to pretend cold and ferocious infront of him, alam kong alam na niya kung anong tunay na ugali ko. I'm not that scary kaya mukhang hindi siya naiintimidate sa akin.
Nag paalam na ako kay Archer dahil may balak pa akong puntahan. Tatlong taon na rin ang nakalipas, hindi ko alam kung doon pa rin sila nakatira.
Pinark ko ang kotse ko sa maliit na eskinita, tulad ng dati, talamak parin ang mga chismoso at chismosa sa gilid gilid, mga tambay na lalaking nakapaikot habang naglalaro ng toss coins at walang damit pantaas, may mga batang mali-liit na walang damit, syempre papatalo ba ang mga sisterets nating malalandi na nagpapapansin sa mga boys. Walang pagbabago, sobrang gulo, sobrang sikip at sobrang ingay. Napatingin sila sa kotse ko, hindi pa ako bumababa pero kita ko na ang mga tingin nilang tila nag-aabang kung sino ang bababa dito. Parang gusto ko nalang tuloy mag U-turn at bumalik nalang ng naka-tricycle.
At ganun nga ang ginawa ko, umalis ako sa lugar na iyon. Ayokong bumaba ng ganito, baka may makakilala sakin at isipin na sobrang yaman ko at bumalik ako para magyabang. Dumiretso ako sa pinakamalapit na mall, nagpark ako at nagpunta sa isang department store, bumili ng ordinaryong pants at tshirt. Pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng damit, binura ang make up ko at tinali ang buhok kong medyo nakakulot pa ang dulo.
Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Parang nagbalik lang ako sa dating Scarlett, yung tambay na snatcher sa kanto. Bumalik ako sa parking lot at binuksan ang compartment ng kotse ko, pinasok ko lahat dun yung damit na pinagpalitan ko, at nilock iyon muli. Naglakad ako palabas ng mall at pumara ng tricycle pabalik sa pinanggalingan ko kanina.
Pagbaba ko ng tricycle ay agad tumingin sakin ang mga dakilang tambay ng taon.
"Puta si Scarlett!" Sigaw ni Jim, pagkaalis ko ay siya ang number 1 tambay rito at pagbalik ko siya parin ang nangunguna.
Lahat naman ng tao ay nagtinginan sakin, tulad ng dati, ngumiti ako at itinaas ang gitnang daliri ko. Lumapit ako sa isang kumpol ng mga tambay na kasama ni Jim, sila yung naglalaro ng toss coin kanina.
"Tangina buhay kapa?" Gulat na sabi naman ni Fred, ang number 2 tambay.
"Masamang damo ata to boi." Maangas na sabi ko.
"Oh puta ilabas na ang empi!" Sigaw ni Jim. Nataranta naman ako agad at umiling, hindi naman ako nandito para makipag inuman.
"A-ah napadaan lang ako!" Napatigil ako at tumingin sa bahay na dating tinutuluyan ko. Nakita kong sinundan nila ng tingin ang tinitignan ko.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
AcciónAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...