Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon habang umiiyak. Halo halo ang emosyon sa puso ko, galit, inis at sakit.Ganun na lang yon? Kung ano nakita niya yun na yun? Hindi manlang niya ako hinayaan magsalita? At paano niya nasabing hindi pinatay ang mga magulang ko? Nandon ako, sigurado ako, at bawat detalye at malinaw sa isipan ko.
Umupo ako sa gilid ng kalsada at ipinatong ang aking ulo sa tuhod ko. Ano na? Ano na ang gagawin ko ngayon? Ngayon na buhay ko na ang habol niya. Assasin siya, siguro ay dahil lamang sa utang na loob na binigay ko ang kwintas kaya't hindi niya ako tinuluyan kanina. Pero paano sa susunod? Paano pag muli kaming nagkita? Hahayaan niya pa ba akong mabuhay?
Habang nakayuko ay tila isang boses ang narinig ko sa utak ko.
"Take care of the necklace. Don't let anyone take it away from you. Its all yours." Inalis ko ang maskara na nakatakip sa bibig ko at ang sumbrero ko.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Ngumiti ito at yumuko.
"Katulad nila ay napakaganda mo din." Nakangiting saad niya.
"Nila? Sinong nila?" Tanong kong muli. Umiling siya at yumuko.
"Kapag dumating ang oras na sa tingin mo ay may dapat kang malaman, kapag dumating ang oras na gusto mo ng kasagutan, bumalik ka sa akin, lagi kaming naghihintay sa pagbabalik mo."
Napaayos ako mula sa pagkakaupo. Hindi ko alam bakit biglang pumasok sa isip ko iyon, pero isa lang ang alam ko, kung ano man ang tungkol sa kwintay ay kailangan kong malaman. Hindi ko hahayaan na maging masaya si Sebastian habang ako ay nagdusa ng dahil sa kanya.
Tumayo ako at marahas na pinunasan ang luha ko. Masyado na akong maraming naiyak. Tinakbo ko ang direksyon patungo sa bahay na pinagnakawan namin ng kwintas. Mag-aala-una na ng madaling araw, kung kailangan mang-gising ay gigisingin ko sila para lamang masagot ang aking mga katanungan.
----
Kagaya ng unang beses kong nagpunta rito ay inakyat ko lang ang bakuran ng bahay. Mabuti na lamang ay nakafull-akyat bahay attire ako kaya't hindi na ako nahirapan.
Gaya ng dati ay pumasok ako sa bintana.
Bumaba ako sa unang palapag ng bahay, sa unang pagkakataon ay nakita kong nakabukas ang ilaw ng bahay. Kaswal lang akong naglakad sa loob, hindi naman ako magnanakaw, nandito ako para makipag-usap.
Walang tao sa sala. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa kusina.
"WHAT THE?!" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may sumigaw na lalaki, literal na naibuga nito ang kung ano mang iniinom niya habang ako ay napahawak sa puso ko.
"BAKIT KA NAMAN NANGUGULAT?!" Inis na sigaw ko. Pinunasan niya ang labi niya at lumapit sa akin, halos mapanganga ako ng marealize ko kung sino at kung saan ko siya nakita.
"IKAW ANG NANGGUGULAT! WHO THE HELL ARE--" Mabilis kong inalis ang suot kong itim na cap at face mask. Bakas ang labis na pagkabigla sa mukha niya.
"Natatandaan mo ako? Ako yung nasa auction!" Pagpapakilala ko, ang kaninang gulat na mukha ay napalitan ng pagkairita at inis.
"Tss, anong kailangan mo?" May bahid ng inis ang tono ng boses niya at bumalik sa pwesto niya kanina at muling nagsalin ng juice sa baso niya.
"Yung matanda. Yung nakatira dito na matanda, kailangan ko siyang makausap." Uminom muna ito bago ako tinapunan ng tingin. Pinag-krus niya ang braso niya sumandal sa lababo.
"Bakit? Narealize mo na ba kung gaano ka ka-tanga?" Otomatikong umarko ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ano naman ang ka-tangahan na ginawa ko, aber?" Humalakhak siya na tila nakarinig siya ng isang malaking joke. Muli siyang tumingin sa akin at sa totoo lang ay nakakabwisit ang mga ngiti nito. Pasalamat siya ay gwapo siya dahil baka kanina ko pa siya napatay dahil wala ako sa mood ngayon. Hays oo na, mas gwapo pa rin talaga si Nightmare pero wala na akong paki sa kanya. Bahala siya sa buhay niya!
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Mafia Series: Book 3)
ActionAll her life, she only wanted one thing, to find the person who killed her family. At a young age, she was left all alone, she struggled all her life to stay alive until she found the man who killed them. She wanted nothing but revenge, she felt not...