CELYN'S POV:
--
NANG matapos mag-audition si Monique, sumunod na isinalang ang mga alipores nito na tila kalalabas pa lamang mula sa isang institusyon ng mga baliw. Bukod sa pagiging maarte at walang talento, pinagtawanan lamang sila ng crew at ibang auditionee na narito sa loob ng hall.Napapailing na lamang ako at napapabuntong-hininga dahil sa pagiging desperada ng mga alaga ni Tita Moira.
"Seriously, mas bagay sila sa minor role or baka nga gawin silang extra taga benta sa bangketa." humagalpak ng tawa ang isang crew na may suot ng headphone sa kanyang ulo at sa tingin ko ay kasama ito sa technical production. Kausap nito ang isang assistant manager na tumatawa rin habang pinapanuod ang ginagawang kabulastugan ng mga alipores ni Monique.
Halos lahat kaming auditionee ay binigyan ng script na siyang susundin namin bago sumalang sa entablado. Kabisado ko na ang laman ng script na ibinigay sa akin pero sa kinalabasan ng audition ni Monique at mga alipores nito, walang buhay ang bawat linyang binibitawan nila.
Hindi naman ako perpekto tulad ng sinasabi nila ngunit nababase yun sa kung ano ang nakikita ng mga mata ko sa bawat script na binibigay sa akin.
"Ilan pa ba ang sasabak sa audition? Sa tingin ko nawawalan na ng pag-asa si Boss Calvin." rinig kong usisa ng isa sa mga staff na siyang nagma-manage sa amin sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Tinignan ng isang babae na kausap nito ang hawak na stationary at binasa. "Aabot pa ng sampu, susunod na si Miss Bautista."
"Si Miss Celyn Alarie Bautista? Bakit siya magu-audition dito kung hawak siya ni Maverick sa S&S talent company?"
Ayoko sanang marinig ang pinag-uusapan ng mga nasa paligid ko ngunit nasa isang sulok ako ng hall at medyo madilim sa pwesto ko at tanging ang stage lamang ang iniilawan nila para makita ng maayos ang ekspresyon ng mukha namin.
"Gaga! Matagal ng pinull-out ang kontrata ni Miss Bautista kay Maverick at isa pa she can do whatever she wants lalo na't free lancer lang naman siya."
"Sabagay, may point ka."
"Ang sabihin mo huli ka lang lagi sa balita. Napapadalas ang pangalan ni Miss Bautista sa mga headlines ngayon dahil sa nangyaring shoot out sa Laguna. Tinambangan raw ng mga di kilalang armadong lalaki ang van na sinasakyan ng grupo ni Miss Alarie papunta sa next destination nito ng photoshoot."
"Ay grabe naman yun? Kailan pa nangyari yan?"
"Noong isang buwan pa."
Napapailing na umalis ako sa pwesto ko at naglakad palapit sa hagdanan kung saan ang exit ng mga auditionee dahil tapos na ang mga alipores ni Monique.
"Wish you a goodluck Celyn. Sana hindi ka matanggap." bungad sa akin ni Monique nang makita ako nitong naghihintay sa gilid ng stage.
"In fairness ang galing mong umarte." papuri ko rito na may halong pang-iinsulto.
Monique flips her hair like she's proud what she's doing earlier. "Hah! Of course. Pinaghandaan ko ba naman ang pagbagsak mo!"
"Abangan mo na lang hanggang sa pumuti ang mga mata mo." iniwan ko na si Monique ng tawagin nang floor director ang pangalan ko bilang susunod na sasalang sa audition.
Nakaramdam ako bigla ng kaba nang makita ko sa harapan ang lalaking nagmamay-ari ng CDC Entertainment na si Calvin De Chavez. Paanong hindi ko makikilala kung may mga bond paper sa harapan nila kung saan nakasulat ang kanilang buong pangalan. Ang mga katabi nito ay si Rent Drake Martin at Trevon Dwayne Blas.
"You are Celyn Alarie Bautista, right? A freelance actress." I was stunned when he asked me that question, nakasulat na sa audition paper ko why ask it again? I never expected that I could meet face-to-face the high and mighty Calvin De Chavez - the owner of CDC Entertainment.
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Romance[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...