CALVIN'S POV:
--
"Three o'clock from your position Calvin." utos ni Rent sa akin habang nakikinig sa ear piece na suot namin. Thud invented it and it has a big use for our mission like this.We are currently at Egypt right now, ilang araw naming minamanan ang Fallen Syndicate na kinabibilangan ni Althea. Because of Luther's connection madali naming natunton ang hide out nila.
Gamit ang hand gun na may silencer, pinaputokan ko ang mga guard na nagbabantay sa paligid. Pampatulog lang ang laman ng baril na hawak ko pero madi-detect sila as a dead man though they will wake up but after a month from now.
Halos tatlong buwan ang ginugol namin para sa misyon na ito. Masyadong matinik ang fallen at sa galing nilang magtago. Itinuturing naming anay ang grupo ng Fallen dahil sa dami ng taong pinatay nila at ito na ang oras para mawakasan ang kasamaan nila sa mundong ibabaw.
"Senri, Dezrail at Calvin prepare for attack. Luther and Saviel standby from your position-" naputol ang sinasabi ni Rent nang makarinig kami ng kalabog.
"What the fck Hyuga!?" ang malulutong na mura ni Luther ang narinig namin at sa tingin ko hinahabol si Saviel dahil tumatawa pa ito.
"Pasaway ka talaga." sambit ko na lamang bago sumunod kay Senri at Dezrail na bumaba na mula sa pinagtataguan ng mga ito.
Pinaulanan namin ng bala ang bawat myembro ng Fallen na nakakasalubong namin. Nakita ko pa si Luther na nakikipagbuno sa isang lalaking may hawak kay Saviel.
Hawakan na nila ang lahat huwag lang ang mundo ng isang Luther Aqueros Bloodfist kung ayaw mong mabura sa kinatatayuan mo.
"Need help?" rinig kong wika ni Senri sa earpiece namin at tinutukoy niya ay si Luther.
"Fck off Kuruzaki. Do your own task!" sagot naman ni Luther.
"Huwag mo kasing pakialaman pare. Nagla-loving loving pa sila Boss." sagot ko naman bago binaril sa hita ang isang lalaking susuntok sana sa mukha ko.
Galawin na nila sa akin ang lahat huwag lang ang mukha ko dahil tititigan pa ito ni Celyn. It's been three months when I saw Celyn's crumpled face and I missed her so much.
"Kailan ba tayo uuwi? Namimiss ko na ang babae ko." wika ko.
"Which one you wants to see?" usisa ni Dezrail.
"Feeling mo naman marami akong babae? Si Thud lang ang babaero sa atin." sagot ko naman.
"Focus on your job guys. Calvin, three on your back, Senri five on your left and Dezrail straight ahead at Fallen's office he's ready to run to abandon his men." utos ni Rent sa amin dahil hawak nito ang CCTV ng Fallen kaya nakikita niya ang nangyayari sa amin sa loob ng building gamit ang pinakamamahal nitong ipad na bigay pa ni Luther.
Inubos namin ni Senri ang mga humaharang sa dinadaanan namin hanggang sa madatnan namin si Luther at Saviel. Nakasampay sa balikat ni Luther si Saviel at nag piece sign pa sa amin nang makita kami nito.
"Sabing huwag kang susugod mag-isa Saviel." pangangaral ko dito.
"Ang galing ko diba? Naubos niyo sila agad."
Napabuga na lang kami ng hangin ni Senri dahil sa kakulitan ni Saviel habang binabaril ang iba pang myembro ng Fallen na sumusugod sa amin.
"Found him." rinig kong wika ni Dezrail sa earpiece.
Mukhang hawak na niya ang lider ng Fallen kaya naman agad kaming pumunta sa lugar kung na saan si Dezrail.
Naunang maglakad si Luther habang nasa balikat pa rin nito si Saviel without minding Saviel's weight while shoot those bastards keep on popping.
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Romance[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...