CELYN'S POV:
--
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan ko. Nanginginig na itiningala ko ang mukha ko para makita kung sino ang poncio pilatong nagbuhos sa akin ng malamig na tubig.Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Althea, hawak ang isang timba na puno ng yelo.
"Buti naman at humihinga ka pa? Hindi kasi pwedeng mawalan ka na lang bigla ng malay hanggat hindi ko nahahanap si Isla." aniya.
Napaigik ako ng hawakan nito ang mukha gamit ang isang kamay nang ibaba nito ang timba ng tubig. Hindi maalis ang ngisi sa mukha ni Althea habang tinitignan ako sa mata. Hindi ako gumanti ng masamang tingin dito dahil sa sakit ng katawan ko.
Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito sa pinagdalahan sa akin ni Althea, kahit tubig o makakain ay hindi ako nito binigyan kaya naman ramdam ko ang paghihina ng katawan ko.
"Magsasalita ka na ba kung na saan si Isla?" dugtong pa nito.
Dinuraan ko ang mukha ni Althea dahilan para mapapikit ito at marahas na binitawan ang mukha ko. Kami lang dalawa ang nandito sa apat na sulok ng kwarto.
"H...hindi mo mahahanap si Isla kung bunganga ang paiiralin mo. P...pakawalan mo ako Althea!" kahit nanghihina pinilit kong sigawan si Althea pero isang tadyak sa tyan ang natanggap ko dito.
Malakas na kalabog ang namayani sa aming dalawa nang matumba ang kinauupuan kong silya kung saan ako itinali ni Althea, tumama ang balikat ko sa sahig dahilan para mamilipit ako sa sakit.
"Hindi ka sana mahihirapan ng ganito kung hindi ka nangialam Celyn."
"K...kahit patayin mo ako, hindi ko alam kung na saan si Isla--" naputol ang sasabihin ko nang tadyakan muli ni Althea ang tyan ko.
Ito na yata ang pinakamalalang torture na naranasan ko mula sa mga taong dumukot sa akin. Okay lang kung bugbugin nila ako ng paulit-ulit as long as walang mangyaring masama kay Isla. She didn't deserve this world, this kind of life-she didn't deserve it all!
Althea grabbed my hair. "Bakit nga ba hindi na lang kita patayin para naman makuha ko ang lahat ng gusto ko at wala na akong kaagaw na isang tulad mo? Suggest ka nga kung paano kita babawian ng buhay?"
Tinignan ko ng nanlilisik na mata si Althea. "H..hindi ako tanga na tulad mo para malaman kung paano ako aakyat sa langit o bababa sa impyerno. Pakawalan mo ako!"
"Ang tapang mo no?"
Lumagapak ang mukha ko sa sahig ng bitawan nito ang buhok ko. Ramdam ko ang dugo na dumadaloy sa ilong ko. Nanghihina na rin ako dahil sa wala akong kain o kahit tubig man lang.
'Mommy...'
"Mabubulok ka dito sa ayaw at sa gusto mo. Mahanap ko man o hindi si Isla, buhay mo ang kapalit kaya be a good girl Celyn ha? Ikumusta mo na lang ako sa mga daga na makakasama mo dito for the rest of your life."
Nang makaalis si Althea, pumatak ang luha sa mga mata ko. I feel useless because of my situation right now. Wala akong mahingian ng tulong.
Kastiel is not here also Calvin.
Alam kong nag-aalala na si Mommy and I want to go home and rest. Masyado na akong napapagod.
Hanggang sa makarinig ako ng komusyon sa labas, biglang bumukas ang pinto kung saan dumaan si Althea at bumungad sa akin ang bulto ni Carlson at isang taong hindi ko inaasahanang makita -- si Liezel.
"Alarie!" tawag sa akin ni Carlson nang makita nito ang sitwasyon ko.
Narinig ko rin ang pagsinghap ni Liezel nang makita nito ang kinasasadlakan ko.
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Romance[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...