CELYN'S POV:
--
KINAUMAGAHAN sama-sama kaming nag-explore nina Kastiel at Liezel. Una naming ginawa ay mag-scuba diving since gustong-gusto ko talagang mag-swim into the deep sea.Scuba is a mode of underwater diving whereby divers use breathing equipment that is completely independent of a surface air supply and therefore has a limited but variable endurance.
Scuba diving equipment, also known as scuba gear, is the equipment used by a scuba diver for diving and includes the breathing apparatus, diving suit, buoyancy control, and weighting systems, fins for mobility, a mask for improving underwater vision, and a variety of safety equipment and other accessories.
At first I got scared but full of excitement dahil first time kong sumisid sa dagat.
"Ready ka na ba, girl?" Liezel said with full of excitement in her voice.
Tumango ako kay Liezel at sabay kaming lumubog sa tubig dagat. Kung sa lupa ay sobrang ganda na ng paligid, mapapanganga ka lalo sa ilalim ng tubig dahil sa ganda ng mga isda at coral reefs na nakapaligid sa amin.
Hinila ako ni Liezel para lalo kaming makasisid sa ilalim ng dagat. Hindi naman siya totally scary because the water is so malinaw like a crystal.
Samantalang si Kastiel naman ay nakabuntot lang sa amin at tila rin nag-eenjoy sa mga nakikita nito.
Minsan lang kami magkaroon ng girl bonding kaya lubos-lubosin na namin habang nakakatakas pa kami sa reyalidad na siyang patuloy naming tinatakbuhan or more like ako lang ang patuloy na tinatakbuhan ang reyalidad na meron ako.
Binitawan ni Liezel ang kamay ko at sinenyasan ako kung I can handle myself na daw, and I thumbs up on her since marunong naman akong lumangoy at may sarili akong oxygen tank.
Tila dinala ako sa ibang dimensyon habang nakikipaglaro sa mga isda. May nakita rin akong pawikan na nakikipaglaro kay Kastiel at Liezel kaya naman kinawayan ko lamang ang dalawa.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang rock formation na tila kweba na puno rin ng yamang dagat, and I was fell in awe when I saw the group of fish coming through to my directions.
At dahil napapasukan na ng tubig ang goggles na suot ko, umahon ako paitaas ng tubig at nagtaka ako ng hindi ko makita ang bangka na sinakyan namin kanina.
"Where the hell am I?" takang tanong ko sa sarili gayong ang malawak na dagat ang bumungad sa akin ng tanggalin ko ang goggle na suot ko.
Kibit balikat na lumangoy ako patungo sa pangpang at inalis ang fins na suot ko. Hindi ko alam kung saan lupalop ako ng isla napadpad at nakakaramdam na rin ako ng kaba.
"Liezel? Kastiel?" tawag ko sa mga kaibigan ko pero tanging sarili kong boses ang naririnig ko sa buong paligid.
Bitbit ang goggle, fins at ang tangke ng oxygen, binaybay ko ang naglalakihang bato. Nagbabakasakaling nasa kabilang ibayo lamang ang isla.
Nang makatawid ako sa matataas at nagtutulisang bato. Isang malamig na bakal ang dumikit sa sintido ko.
"Isang maling kilos mo, sabog ang ulo mo." sambit ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa aking sintido.
"S...sino ka?" kinakabahan man pero pinilit ko ang sarili kong maging matapang.
"You don't have to know me if who I am. Sumama ka sa akin." hinablot ng lalaki ang braso ko at tinulak ako para maglakad paalis sa batong 'yun. Nasa likuran ko ang lalaki at nasa tagiliran ko pa rin ang baril na hawak nito.
Tahimik na naglalakad lang kaming dalawa ng itulak ako ng lalaki papasok sa masukal na daan rito sa isla. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa kanya and all I could think is, paano si Mommy kapag namatay ako?
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Romance[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...