CELYN'S POV:
--
NAKAHANDA na ang lahat para sa final shoot namin ng movie na Sky Fall. Lahat ay aligaga at naiexcite sa magiging outcome ng nasabing movie dahil marami ang nakaabang sa magiging role ng isang Calvin De Chavez."Bakit lukot yata ang mukha mo, nag-away na naman ba kayo ni Tita Lynzi?" untag sa akin ni Peri habang inaayos niya ang buhok ko.
Kasalukuyan kaming nasa dressing room - isang tent na tinayo ng staff para sa amin - at nakaharap ako sa vanity mirror ko na laging dala ni Peri kahit saan kami magpunta tuwing working hours.
"Paanong hindi magiging lukot yan, sinungitan ba naman ni Boss Calvin." singit ni Sherry na inaayos ang damit na susuotin ko para mamaya.
"May topak lang siya." sagot ko pero hindi pa rin maalis ang asim sa mukha ko.
Nagkasalubong kasi kami kanina ni Calvin at kasama niya si Fourth bilang supporting actor sa scene na gagawin namin. Ayon sa nabalitaan ko ay pinilit lang si Fourth ni Sav para mapabilang sa nasabing role dahil sayang nga daw ang poging mukha ni Fourth kung hindi nito ilalantad sa publiko.
Pero ayaw ni Fourth as long as magdi-disguise siya. Hindi ko alam kung maarte lang talaga ang member ng HuPoFEL o lahat sila ay may tinatagong yaman kaya ayaw nilang magpakita sa publiko?
Isa sa mga rason kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang misteryo sa likod ng HuPoFEL at Bloodfist. Iba kasi yong feeling na kasama ko sila dahil masyado silang masayahin at kwela sa tuwing magkakasama silang lahat sa pangunguna ni Saviel at Sinji. Tila isa lamang silang ordinaryong tao pero binabalot ng kadiliman ang kani-kanilang pagkatao.
"Pikon ka na niyan?" nakangising pang-aasar pa ni Peri.
"I am not pikon Peri. I don't care if he won't make me pansin 'cause who is he ba?" maarteng wika ko.
"Ay hala siya!? Lumalabas na naman ang pagiging maldita ng isang Celyn Alarie Bautista. Ano ba kasing nangyari?"
"I don't know. He's like that ever since we got home from work. You know naman na sa bahay niya kami tumutuloy ni Mommy kasama si Dad."
"Taray! One big happy family?"
"Tangina mo!"
Humagalpak ng tawa si Sherry at Peri.
They already know that Calvin and I are not siblings dahil si Calvin mismo ang nagbigay sa akin ng DNA test naming dalawa and it turns out na negative lahat ng results.
Nakahinga naman ako ng maluwag, I mean I am not bothered anymore about it.
'Sus! Ang sabihin mo ayaw mo lang i-acknowledge ang nararamdaman mo kay Calvin! Umamin ka na kasi!'
Iwinaksi ko sa aking brain ang panunulsol niya lalo na't ayaw kong malaman ni Calvin na gusto ko siya.
"Pero what if ayain ka ni Boss Calvin ng kasal? Payag ka na maging parte siya ng family niyo? Boto naman si Tito Alrei diba?" ani ni Peri nang makabawi mula sa pagtawa.
"Duh? Wedding agad!? We're not even a couple or what do you call it, tapos may pa what if-what if ka pang na knows dyan!?"
"Malay naman natin diba? Single si Boss Calvin, never been link to anyone like those celebrities. Single ka rin naman at minsang nang na link sa mga scandal at kay Carlson." dagdag pa ni Peri.
"Hoy! Hindi naging kami ni Carlson no?"
"Pero nanligaw siya sayo? Aminin mo!"
"Yes, I admit he did court me but I turned him down."
"You turned him down, because?" ani ni Sherry na may halong pang-aasar ang boses nito.
"Tigilan ninyo akong dalawa." pagalit na wika ko pero tinawanan lang ako ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Romansa[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...