CELYN'S POV:
--
"CUT!" rinig kong malakas na sigaw ni Saviel.Kinarer niya talaga ang pagiging Director kahit hindi naman talaga siya ang director ng movie. Saviel is too perfectionist when it comes to her work. Isa na doon ang libro niyang Harmony of Bullets na kilala na rin maging sa ibang bansa and as far as I know malaking topic ngayon sa social media ang HOB dahil magkakaroon ito ng movie adaptation at nirerequest ng lahat na si Perth at Ernaline ang gumanap but no to avail since chismis lang 'yun and the author itself didn't confirm it to the public.
Sabi nga ni Sav, she's not expecting anymore achievements and she's not ready for another level of her work dahil out of boredom lang ang pagsusulat niya at pang-aasar na rin sa friends niya.
Hinahayaan lang din si Sav na ito mismo ang magdirek ng movie dahil mas magaling pa ang babae kesa sa mismong director ng movie. Sav knows what she's doing and all the results of our shoot is too perfect for a nobody like her. Iba ang nagagawa nang kakulitan ng isang Saviel Hyuga.
"Kaya pa girl?" bungad sa akin ni Sinji nang maupo ako sa isang stool na nagkalat sa studio.
Kasalukuyan kaming nasa CDC at sa isang bakanteng studio ginanap ang taping namin para sa movie at kasama ko si Carlson at Monique. Calvin didn't show up because of his own personal matters for his business. Balita ko ay may investors na dumating at kailangang harapin ni Calvin ang mga 'yon.
"Ayos lang, keri pa naman." sagot ko bago kinuha ang milk tea na pinaorder ko kay Lea. Sinji had her own drinks even Saviel and magkakasama kami sa table namin kapag break ng shoot.
"Pansin ko lang masyadong dumidikit sayo yung Carlson?" usisa ni Sinji at lumingon pa ito sa gawi ng lalaki na kausap ang ibang artista at staff.
Napatingin din ako sa gawi ng mga ito pero agad ko ring binawi at bumaling kay Sinji na sopistikadang umiinom sa milk tea nito. Pansin ko rin lagi silang magkasama ni Saviel, kung hindi ko lang sila kilala personally baka pagkamalan ko silang kambal dahil sa pagiging parehong makulit at maganda.
"We've work twice or thrice I think sa isang modelling agency na hinahawakan ni Maverick. He's just friendly, so I am not bothered by his presence." sagot ko.
Sinji shrugged her shoulder while silently sipping her drink.
Hindi na rin ako umimik at hinayaan si Sinji nang biglang lumapit si Saviel sa pwesto namin.
"Celyn next scene tayo after a break okay?" bungad ni Sav. "Grabe nai-excite ako sa magiging outcome ng movie na tu, masyadong magagaling ang cast." dugtong pa nito.
"Hindi ba napapagod ang vocal chords mo mars? Kanina pa ako naririndi sa voice mo." maarteng wika ni Sinji sa kaibigan at inirapan pa ito.
Saviel sip on her drink before answering as shet sat her ass on the vacant sit beside Sinji. "Mars batak ang vocal chords ko pagdating sa mga sigawan kaya keri lang. Kahit nga sa subuan batak din-"
Nanlaki ang mga mata namin ni Sinji.
"Hoy! Anong subo?" sabay naming tanong ni Sinji kay Saviel pero ang babae ay tumawa lang.
"Ay inosente ang lola mo, akala mo hindi ginapang si Senri -- aray!?" lumagapak ang mukha ni Sav sa mesa nang batukan ito ni Sinji. Muntik pang matumba ang mesa dahil sa lakas ng impact nito kung hindi ko agad nahawakan ang dulo ng mesa. Napalingon pa sa gawi namin ang ibang tao na narito sa set dahil sa lakas ng kalabog nang noo ni Sav sa mesa pero parang mga wala itong nakita nang bumalik ang mga ito sa sarili nilang ginagawa.
"Yang bunganga mo Saviel Hyuga ha?! Baka masira ang image ko! Para namang hindi mo ginapang ang Kuya ko noong isang gabi!?"
"Feeling mo naman, Sinji Natividad!? Yung Kuya mo ang nagkusa, hindi ako!"
BINABASA MO ANG
Sky Fall
Romance[BLOODFIST SERIES 4] Celyn Alarie Bautista, a determined freelance model and aspiring actress, has long harbored dreams of joining the prestigious ranks of CDC Entertainment. When she heard the announcement of an ambitious new project, excitement su...