Fall 9: What?

33 4 0
                                    

CELYN'S POV:

--
AFTER that incident in Laguna, Kastiel decided to hire me a bodyguard from their department which I don't need but here I am sitting pretty while listening to Kastiel.

"Papayag ka naman Tita na bigyan ko ng bodyguard si Celyn diba? Hindi na po biro ang mga nangyayari sa kanya lalo na't unti-unting umuusbong ang pangalan ni Celyn sa pag-aartista." pakiusap ni Kastiel kay Mommy.

"Kasti, you know I hate what you are implying. Hindi ako sanay na may nakabuntot sa akin wherever I go." pagmamaktol ko.

Lumingon sa gabi ko si Kastiel. "But you meed one for goodness sake Celyn," pamimilit pa ni Kastiel.

After kong ma-discharge sa ospital a week after, kabilin-bilinan ni Kastiel na kakausapin niya ako tungkol sa bodyguard na sinasabi niya. Mom pulls me out from mall tour na gagawin sana kinaumagahan mula sa photoshoot na gaganapin sana Laguna. Dahil nga sa naganap na insidente, lahat yun ay hindi ko nagampanan bilang professional model. Hindi ko naman pwedeng ipagsapalaran ang kaligtasan ni Peri at Mylene lalo na't namatay si Manong Erik at Nikky.

Walang sinisi sa nangyari pero pakiramdam ko obligasyon ko yung nangyari kay Manong Erik at Nikky. Hindi nila deserve ang mamatay ng maaga mula sa mga kamay ng mga lalaki na 'yon.

"Hindi ko na nga kailangan Kasti. Lalo na kung ikaw ang magiging bodyguard ko, I won't allow it." pagtutol ko pa bago ako humalukipkip sa swivel chair na kinauupuan ko.

Kasalukuyan kaming nasa conference room ng isang building na tinatawag ni Kastiel na HuPoFEL na siyang headquarters nila. Its a little bit weird that their organization named HuPoFEL which is odd. Kasama rin namin sa round table si Doc Gun at ang isa pang lalaki na magkaiba ang kulay ng mata. Tahimik lamang ito at nakikinig sa kung anong pinag-uusapan sa paligid.

"Sino naman nagsabi sa'yong ako ang magiging bodyguard? I am suggesting your safety here not my own life Celyn. Isa pa marami akong hinaharap na kaso kaya hindi kita mababantayan." saad pa ni Kastiel na tila nandidiri dahil sa sinabi ko.

Ano bang malay ko sa agency nila? Hindi ako papayag kung si Kastiel ang gamitin nilang shield ko from those assholes.

"Then, knock it off already Kasti. Wala akong balak na kumuha ng bodyguard." pag-uulit ko.

Kastiel massages her forehead like she's out of patience because of my stubbornness.

"Your bodyguard won't be with you all the time naman Miss Bautista kaya malaya ka pa ring makakakilos sa gusto mong gawin but he or she will monitor your daily activities." sabat naman ni Doc Gun.

"Do whatever you want Kastiel. Ako na ang magha-hire sa bodyguard na irereto mo as long as hindi ito makakasagabal sa trabaho ni Celyn." saad naman ni Mommy na siyang ikinalukot ng mukha ko.

Ano pa nga bang magagawa ko kung ang reyna na mismo ang nagbigay ng pahintulot sa kaibigan ko na bigyan ako ng bodyguard?

Bahala sila, as long as I can do whatever I want.

"Edi tapos ang usapan." mapaklang sagot ko bago tumayo mula sa aking kinauupuan.

Pupunta na kasi ako ngayon sa CDC Entertainment for my audition pero dahil sa pakiusap ni Kastiel napadpad kami ni Mommy dito sa agency na pinagtatrabahuhan ni Kastiel.

"Thank you for your concern and time hija. Tatanawin kong utang na loob ito hindi tulad ng kaibigan ninyong squatter." sabi ni Mommy na siyang ikinalingon ko.

"Mommy drop that will you? Liezel is not a squatter, she's a good friend like Kasti." naiinis na wika ko.

Wala dito yung tao pero kung makalait sa kaibigan ko parang hindi rin nakaranas ng hirap si Mommy noong itakwil siya ng kaniyang pamilya.

Sky FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon